top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Kasabay ng 1st anniv nila…. ALBIE, IDINISPLEY NA ANG BAGONG DYOWA

Writer: BULGAR
BULGAR
May 19, 2023
1 min read

ni Beth Gelena @Bulgary Files | May 19, 2023



Ibinalandra na ni Albie Casiño ang bago niyang girlfriend sa kanyang Instagram account.


Magkasabay na ipinagdiwang ng magdyowa ang kanilang mga kaarawan, pati na rin ang 1st anniversary nila as a couple.


Albie turned 30 years old last May 14, samantalang ang kanyang girlfriend naman na si Michelina ay nagdiwang din ng 26th birthday kamakailan.


Sa larawang ibinahagi ng aktor sa kanyang IG kasama ang GF, nilagyan niya pa ito ng caption: "So much to be thankful for! One year being with @realmichelina my 30th and your 26th. Love you, baby! To more birthdays and anniversaries together."


Nag-reply naman ang GF niya na si Michelina, "I love you so much, Mahal."


Bago pa inilantad ni Albie ang kanyang karelasyon ngayon sa publiko, na-link muna ang aktor kay Shanaia Gomez na nakasama niya sa Pinoy Big Brother: Kumunity noong taong 2021. Inamin din nitong crush niya ang Filipino-Italian singer-actress, pero magkaibigan lang daw sila.


Matatandaang nakarelasyon din ni Albie si Michelle Arceo na isang model at beauty queen.


Tumagal din ng tatlong taon ang kanilang relasyon, pero nagkahiwalay sila noong taong 2019.


Well, alam naman siguro ng lahat na nagkaroon din ng relasyon si Albie sa aktres na si Andi Eigenmann, kung saan naging kontrobersiyal pa nga sila noon.


Anyway, sana ay nahanap na nga ni Albie ang babaeng makakasama niya habambuhay.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page