Kasabay ang pasilip sa malulusog na boobs… VLOG NI KC NA TODO-DISPLEY NG BAGS, MAY 176 DISLIKES
- BULGAR

- Jan 4, 2021
- 3 min read
Updated: Jan 9, 2021
Julie Bonifacio - @Winner | January 4, 2021

In-upload na ni KC Concepcion kahapon ang part 3 ng inaabangang 'luxury bag tour' niya sa kanyang YouTube channel.
Sa dami ng mamahaling bags ni KC, inabot ng three parts ang kanyang vlog para sa kanyang luxury bags.
But don't think na 'yun na ang magiging first and last vlog ni KC para sa kanyang mga mamahaling bag collection. May mga Hermes bags pa raw siya na hindi niya muna ipinakita para may aabangan pa ang mga netizens sa kanyang YouTube channel.
"Ayaw kong ipakita ang buong Hermes bag collection ko para may next time pa tayo," pambibitin ni KC.
Una niyang ipinakita sa part 3 ng kanyang luxury bags collection ang dalawang black Prada Saffiano suitcases. Sumunod dito ay ang idinisenyo mismo ni KC na ostrich-skin bag. Pang-personal use (and not for sale) lang ni KC ang naturang bag na gamit niya kapag nagta-travel.
'Pag may gumaya raw ng design ng bag niya, alam nang design niya 'yun, babala pa niya sa mga kokopya ng kanyang design.
At siyempre, ipinakita rin ni KC ang inaabangang Hermes bags niya.
"And of course, this bag collection would never be complete without this, the queen of all bags, the Hermes Birkin," diin ni KC.
Gaya ng nabanggit namin sa itaas, 'di ipinakita ni KC ang kanyang entire Hermes bag collection sa naturang vlog. So, you can just imagine kung ilang Hermes bags meron si KC, 'di ba?
"But for now, meron tayong entry for that. And this entry is very valuable to me because it was given to me by my mother and she was very excited to get this color because this color is super rare to find and one of my favorite colors. Or, it's been my long-time favorite color," kuwento niya.
Pagpapatuloy pa ni KC, "Thank you, Mom, for this beautiful bag. I know that she researched this for me and uhm, this is my entry today for the queen of all luxury bags."
KC considers Hermes and Louis Vuitton bags as her top two luxury bags, pangatlo lang ang Channel. Pero ang advice niya sa mga bag collectors, it's better na mag-invest sa Hermes and Channel bags.
Say pa ni KC, ang mga luxury bags na ipinakita niya sa kanyang three-part vlog were 'just' few of her favorite things.
Actually, napanood namin ang buong three-part luxury bag collection vlog ni KC. More than the bags, mas pansin namin ang "pasilip" ng makinis na lower part ng kanyang kili-kili at buong side ng boobs on both sides ni KC.
Panay din ang litaw ng malalim na cleavage niya, kaya parang kapiraso na lang ng boobs ni KC ang 'di nakita ng mga netizens.
Open kasi sa side ang backless color blue all-around jumper suit na suot ni KC, kaya iisipin ng mga viewers na walang suot na bra ang aktres.
But knowing KC, super-ingat siya. For sure, may pang-cover siya sa kanyang boobs under her blue all-around jumper suit.
Nakaka-distract din sa panonood ng vlog ni KC ang panay hila niya paitaas ng ruffle strap sa magkabilaan ng kanyang jumper. Mukhang 'di sinukat ni KC nang maigi ang damit niya bago sumalang sa kanyang vlog. Or, sinukat naman pero pinilit pa ring isuot.
Although, hindi naman maidi-deny na one of the best luxury bag tour vlogs na napanoood namin sa YouTube ang kay KC. Pamilyar na pamilyar talaga siya sa bawat sikat na luxury bag kaya detalyado niyang naide-describe ang bawat isa. At may pa-historical background pa kaya naging mas informative.
Nakaka-sad lang, kasi may 176 dislikes ang part three ng 'luxury bag tour' video ni KC.
Why kaya?





Comments