top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

KARYLLE, TODO-TANGGOL KAY JANELLA SA PAGTANGGING KUMANTA SA IT’S SHOWTIME

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 11, 2024
  • 1 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | Abril 11, 2024



Disenteng-disente naman ang ginawang kuwento ni Karylle kay Janella Salvador tungkol nga sa pamba-bash ng netizens, pati na ang tila pagtataray dito ni Vice Ganda, dahil sa isyung "kayo na lang."


Ayon sa tsika ni Karylle, bago pa man daw hiningan ng sampol nina Kim Chiu at Anne Curtis si Janella sa It’s Showtime nang mag-promote ng movie ang aktres-singer, sinabi na nitong namamaos siya.


Pero dahil natural occurrence kumbaga sa show ang laging manghingi ng sampol, hiningan nga nila si Janella.


And since sinabi nga nitong namamalat siya at narinig niyang kumakanta na ‘yung dalawa, kaya nasabi marahil nitong, "Kayo na lang."


Doon nga na-bash si Janella dahil aktong nagmamaasim umano ito at nagtataray pa. 

Agad ngang sumaklolo si Vice sa sumunod na segment sa istilo nitong pa-“okray” at patama kay Janella.


Although nag-apologize na si Janella, mukhang nakakuha naman siya ng kakampi kay Karylle dahil nakita ngayon ng netizen ang pinanggagalingan nito.


Hmmm, hindi naman kaya makasama ito kay Karylle lalo't mahilig at sanay "manguyog" ang tropa nina Vice?



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page