KARYLLE, NAWALAN NG PAG-ASA NA MAKAKABALIK SI VHONG SA IT'S SHOWTIME
ni Beth Gelena @Bulgary Files | January 18, 2023

Isang heartfelt message ang sinabi ni Karylle Yuzon sa pagbabalik ng co-host nila sa It's Showtime na si Vhong Navarro nu'ng Lunes nang tanghali.
Umaagos ang luha ng singer-host habang nagsasalita sa harap ni Vhong. Nag-a-apologize si Karylle sa TV host-actor-comedian.
Aniya, “Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko, kasi nawalan ako ng pag-asa talaga.
Sorry na naubos ‘yung pag-asa ko.
“Damang-dama ko ‘yung pagbabalik mo. Hindi ko kaya ‘to. Next! Pass!” aniya pa.
“Pero minsan, may dumarating na madlang people, sasabihin nila na one day, mangyayari ‘to. At nandito ka ngayon. I’m just so grateful."
At natatawang sabi pa ni Karylle, “Ang pogi mo ngayon."
Nakisimpatya naman si Vice Ganda sa sinabi ni Karylle.
“Sobrang sincere lang nu’n, na nawalan siya ng pag-asa, kasi it happens.
“Darating ang panahon na mawawalan tayo ng pag-asa, and okay lang ‘yun. Ang mahalaga, mabawi natin ‘yung pag-asang nawawala.”
“Hindi naman tayo magpaka — ‘yung sinasabing toxic positivity. Normal 'yun, eh, na parang walang pag-asa. Normal na mararamdaman ‘yun. Ang mahalaga ay mabawi natin ‘yung pag-asa, katulad ngayon, buhay. Akala mo lang nawala, pero lumabo lang, nandiyan pa rin,” dugtong pa niya.
At least, nagpakatotoo si Karylle sa sitwasyon ni Vhong.





Comments