top of page
Search
  • BULGAR

KARLA, INILABAS DAW ANG MGA ISSUES NI DOMINIC PARA MAPAGTAKPAN ANG SEXCAPADES NI DANIEL

ni Julie Bonifacio @Winner | February 22, 2024



Photo: Karla Estrada / Fb


Pinagpiyestahan sa X (dating Twitter) ang isang blind item tungkol sa isang “reina ng mga chismosa" na naglabas ng lahat ng isyu sa ex-BFF ng kanyang anak.


May ulterior motive raw kasi si “reina ng mga chismosa” kaya niya inilalabas ang mga isyu sa ex-BFF ng kanyang anak. Ito ay para matakpan diumano ang s*xcapades ng anak ni “reina.” Ganito ang saktong mensahe na naka-post sa X, “Hindi ba kayo nagtataka bakit lumalabas lahat ng issues ng mga ex-BFF ng hiwalayan ng taon? Kasi may isang reina ng mga chismosa na nag- out ng lahat ng 'yan. Gumawa ng ingay to cover up 'yung s*xcapade ng junakis."


Dagsa agad ang nagtanong sa comment section kung sino ang mga tinutukoy sa blind item na ipinost sa X.


“Sino ba 'yang reina na 'yan ng mga chismosa at 'yung s** capade ng junakis niya?”

“Sino kaya 'yan?? Nakaka-curious, huh?”


“Ang daling mahulaan ng blind item kahit na-late ako at 'di nagbasa ng comments!”

“'Yan ba 'yung iba-iba ang tatay ng mga anak?”


Matapang na pinangalanan naman ng ibang netizens kung sinu-sino ang personalities na sa tingin nila ay tinutukoy sa blind item.


“Karla and son DJ.”


“I know who she is, ever since she is the cause of all issues, bad grass talaga.”


“Sino ka-s*xcapade ng anak niya?”


Si Dominic Roque naman ang duda ng mga netizens na tinutukoy na ex-BFF ng anak ni “reina ng mga chismosa.”

“Dom, ex-BFF ni DJ.”


“Nabaligtad, sa halip na sa junakis niya halungkatin ‘yung mga pambababae niya nu'ng sila pa ni KB (Kathryn Bernardo) ay nalipat kay Dominique Roque bigla, hehe. Eh, di nakalusot ang supremo niya. Marami na akong nababasa dati kay DJ, eh, bigla na lang nawala.”


“Inilabas lahat ni C.E. ang issues ng former BFF na sina D.P. (Daniel Padilla) at D.R. (Dominic Roque), kasi ayaw niyang mailabas 'yung mga s3xcapades ni DP while in a relationship kay KB.”


Konklusyon pa ng netizen, “So si Queen ang source ng lahat ng chismosa???!!!”

Sabeee?

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page