top of page
Search
  • BULGAR

Karerista, todo handa sa 24th Gran Copa Race Fest

ni Green Lantern @Renda at Latigo | March 30, 2023



Paniguradong bigay todo sa paghahanda ang mga hinete at trainers sa kanilang ilalaban na kabayo sa 24th Araw ng Maynila Gran Copa De Manila Racing Festival na ilalarga sa Hunyo 24 sa pista ng Metro Turf sa Malvar sa Tanauan City, Batangas.


Kahit wala nagdeklara at nagsaad ng pagsali na mga kabayo ay nagkaroon na ng MOA signing sa tradisyunal na isinasagawang stakes race tuwing Manila Day noong Martes, (Marso 28).


Punong-abala sa nasabing stakes race ang Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI).


Nagpirmahan si Manila Mayor Maria Sheilah "Honey" Lacuna-Pangan, Metro Manila Turf Club Racing Manager Rondy Prado at ang chairman ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).


Inaasahang magiging bongga ang pakarera ng MMTCI kaya muling masisiyahan ang bayang karerista sa tradisyunal na selebrasyon ng Araw ng Maynila.


Komento ng mga karerista sa social media na tiyak na masisiyahan sila sa kanilang paglilibang dahil tuwing Gran Copa De Manila ay maraming dehadong kabayo ang nananalo.


Tiyak malalaki ang mga guaranteed prizes bawat karera kaya posibleng sumali ang mga kabayong pang stakes races.


Samantala, pitong karera ang pinakawalan ng MMTCI kahapon ng Miyerkules, nagsimula ang bakbakan sa 5:30 p.m.


Habang sa Linggo ay may aabangan na malaking karera ang mga karerista.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page