Karel, pinapili ng ex-partner kaya iniwan ang career

Updated: May 15, 2024
ni Angela Fernando @News | May 14, 2024

Muling nagbabalik ang dating aktres at singer na si Karel Marquez-Fariñas sa harap ng camera matapos nitong mag-guest sa YouTube channel ni Toni Gonzaga na "Toni Talks."
Matapang na ibinahagi ni Karel sa episode na pinapili siya ng dating partner kung ang relasyon daw ba o ang kanyang papausbong na career sa showbiz ang uunahin niya.
Sey niya, dahil daw bata at nalagay siya sa sitwasyong kinailangan niyang mamili, pinili niya raw ang partner at after ng isang taong nahinto sa showbiz ay doon na nagkaroon ng first baby dito.
Hindi man nagkatuluyan si Karel at ang dating partner, very lucky pa rin ang dating aktres dahil nakilala niya ang asawa niya ngayong tumayong ama sa kanyang dalawang naunang anak na si Sean Fariñas.
Wala naman daw regrets si Karel na iniwan niya n'un ang showbiz dahil ngayon ay may mga naggagandahan siyang anak na maayos ang lagay sa buhay.
Maraming netizens naman ang naka-relate sa pinagdaanan ni Karel at pinuri ang katapangan nitong tumalikod sa oportunidad para makapagbukas ng pinto sa mas maganda at mas marami pang chances sa buhay.
Matatandaang si Karel ay naging parte ng palabas na Berks na nagsimula nu'ng 2002 at ipinalit sa hit show na Gimik.





Comments