Kare-renew lang ng kontrata sa Siyete… GLAIZA, IKINASAL NA RAW SA SPAIN, ITINATAGO LANG
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | January 23, 2022

May bali-balitang kasal na raw ang Kapuso actress na si Glaiza de Castro sa BF niyang si David Rainey. Sa Spain daw naganap ang kanilang pagpapakasal nang magbakasyon du'n si Glaiza.
Hindi raw maaamin agad ng aktres ang kanyang real status ngayon dahil kare-renew lang niya ng kontrata sa GMA Network at may serye sila ni Xian Lim na nakatakda nang ipalabas, ang False Positive.
Ganunpaman, tinitiyak ng mga taong malapit kay Glaiza na may kasalang magaganap dito sa 'Pinas kapag maayos na ang lahat. Kailangang tapusin muna ng aktres ang kanyang mga commitments.
Nang mahinto ang teyping ng serye nina Jennylyn Mercado at Xian Lim dahil sa hindi inaasahang pagbubuntis ni Jen, may ibinigay na kapalit na project kay Xian katambal si Glaiza.
Ito nga ang False Positive na may kakaibang twist na magaganap sa istorya.
Komportable naman si Glaiza na katrabaho ang BF ni Kim Chiu na si Xian Lim. At pareho silang professional sa kanilang trabaho.





Comments