Karapatan sa pangangalagang pangkalusugan
- BULGAR
- Feb 20, 2022
- 3 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | February 20, 2022
Hindi na bago sa ating pandinig ang mga katagang “wala kasing doktor o manggagamot sa aming lugar.” Sa katunayan, mas lalo pa nating naramdaman ang kalbaryong ito nang magkaroon ng pandemya. Ganunman, bilang pagtugon at bilang bahagi ng pagsisikap ng ating pamahalaan na mabigyan ng lunas ang ating problema sa kakulangan ng manggagamot, naisabatas ang Republic Act No. 11509, o mas kilala sa tawag na “Doktor Para sa Bayan Act."
Ayon sa batas na ito, binibigyan ng karapatan na mas makamtan ang mithiin na makapag-aral ng medisina ang mga kuwalipikado at karapat-dapat na mga estudyante ng mga sumusunod na tulong:
“Section 4. Coverage. - The MSRS Program established under this Act shall be made to deserving Filipino students who want to pursue a degree in Doctor of Medicine.
The student financial assistance for the MSRS Program shall include the following:
(a) Free tuition and other school fees;
(b) Allowance for prescribed books, supplies and equipment;
(c) Clothing or uniform allowance;
(d) Allowance for dormitory or boarding house accommodation;
(e) Transportation allowance;
(f) Internship fees, including financial assistance during mandatory internship;
(g) Medical board review fees;
(h) License fees;
(i) Annual medical insurance; and
(j) Other education-related miscellaneous subsistence or living allowances.” [Republic Act No. 11509]
(Binigyang-diin)
Kung ating titingnan, ang mga kuwalipikadong mag-aaral na nabigyan ng scholarship sa ilalim ng batas na ito ay makapag-aaral ng medisina na walang iintindihin kung hindi ang itawid ang kanilang pag-aaral.
Sa kabilang banda, upang mas mapalawig ang sakop ng karapatan sa pangangailangang kalusugan o health care ng ating bansa, may itinalagang kaakibat na kondisyon ang pagbibigay ng libreng edukasyong medikal, tulad ng mga sumusunod:
“Section 6. Conditions for the Grant of Scholarship. - Deserving students accepted to the MSRS Program shall be subject to the following conditionalities:
(a) xxx (d) Must undertake the mandatory internship in the SUC's or PHEI's base hospital upon graduation from the Doctor of Medicine Program: x x x.
(f) Must render return of service as provided under Section 8 of this Act.
Section 8. Mandatory Return Service and Integration of the Scholar into the Public Health and Medical Service System. - Upon passing the PLE administered by the Professional Regulation Commission (PRC) and conferment by the PRC of the license to practice the medical profession, the scholar shall be integrated into the public health and medical service system, through the DOH, and shall receive the appropriate civil service rank, salary and related benefits. The scholar shall serve in a government public health office, government hospital, or any accredited government health facility in the scholar's hometown or, in the absence of a need thereat, in any municipality within the scholar's home province, or in any underserved municipality closest to the scholar's hometown determined by the DOH as a priority area, for at least one (1) year for every scholarship year availed of: x x x.” [Id.]
(Binigyang-diin)
Kapalit ng pagbibigay ng scholarship ng pamahalaan ay ang mga kaakibat na responsibilidad ng pinag-aral na doktor na magsilbi bilang Doktor ng Bayan at pagsilbihan ang ating mga kababayan.
Samakatuwid, malinaw sa nabanggit na batas na dalawang mahahalagang pangangailangan ang natugunan ng batas na ito: una, ang isyu at karapatan na mas mapalawig ang edukasyon, tulad ng pagkakaroon ng mas makatotohanang tiyansa na makapag-aral ng medisina; at pangalawa, ang pagpapalawak ng sakop ng tulong medikal sa pamamagitan ng mas pinaraming Doktor Pambayan. Hinggil dito, kapwa makabubuti sa ating bayan na bukod sa nakapagpaaral na tayo ng mas maraming manggagamot, ay nakapagtaguyod pa tayo ng mas maraming Doktor Pambayan na handang tumulong sa mas nangangailangan na bahagi ng ating bansa lalo na sa panahon ng pandemya.





Comments