- BULGAR
Karapatan ng mga nagmamay-ari ng condo
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | July 17, 2022
Karapatang gamitin ang lahat ng common areas ng condominium project;
Karapatang papinturahan o muling pinturahan o palagyan ng tiles, wax o papel o lagyan ng palamuti ang mga inner walls, kisame, sahig, bintana at pintuan ng kanyang condominium unit;
Karapatang isanla ang kanyang condominium unit at magsagawa ng appraisal ng kanyang unit na independent sa iba pang condominium unit owners/buyers;
Karapatang ibenta ang kaniyang condomium unit maliban lamang kung ang Master Deed ng condominium project ay naglalaman ng mga polisiya na iaalok muna ang bentahan sa iba pang condominium unit owners sa loob ng rasonableng pagkakataon bago ialok sa mga hindi kasama sa condominium project;
Karapatang bumuo ng condominium corporation o asosasyon ng mga condominium owners o maghalal ng mga mamamahala sa mga common areas;
Karapatang bumoto para sa pagkabuwag ng condominium corporation sa pangkalahatan o sa espesyal na pagtitipong tinawag para sa nasabing hangarin;
Karapatang payagan ang condominium corporation para ibenta, ipalit o ipaupa ang common areas ng condominium project;
Karapatan sa condominium owner’s copy ng Certificate of Title;
Karapatang magsagawa ng sariling assessment ng kanyang condominium unit para sa real property taxation at iba pang uri ng pagbubuwis;
Karapatang tumangging magbayad sa mga taong nagtrabaho pati ng materyales na inilagay sa kanyang condominium unit kung ang pagpapagawa rito ay hindi niya alam at wala siyang pagsang-ayon;
Karapatang magsampa ng reklamo kapag napatunayan nila na ang developer ng condominium project ay nagsagawa ng panlilinlang o nagsagawa ng misrepresentasyon tungkol sa prospectus ng condominium project;
Kapag ang nakabili ng condominium unit na piniling magbayad ng hulugan ay tumigil sa pagbayad dahilan sa hindi nagawa ng developer ang condominium project nang ayon sa naaprubahang plano sa loob ng panahong itinakda para gawin ito, ang mga ibinayad ay hindi maaaring mapunta sa may-ari o developer ng condominium project. Maaaring bawiin ng nasabing bumibili na maibalik sa kanya ang lahat ng kaniyang naibayad pati ang interest na ipinatong sa amortization;
Karapatang hilingin na mapatayo ang condominium project nang ayon sa alituntunin ng National Building Code.