Karapatan ng mga kababaihan na protektahan laban sa mga pambabastos
- BULGAR
- Aug 11, 2024
- 4 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | August 11, 2024

Ayon sa Republic Act (R.A.) No. 11313 o mas kilala bilang “Safe Spaces Act”, isa sa mga patakaran ng Estado ay ang pahalagahan ang dignidad ng bawat tao at garantiyahan ang buong paggalang sa mga karapatang pantao.
Patakaran din ng Estado na kilalanin ang papel ng kababaihan sa pagbuo ng bansa at tiyakin ang pagkakapantay-pantay sa harap ng batas ng kababaihan at kalalakihan. Kinikilala rin ng Estado na ang mga kalalakihan at kababaihan ay dapat magkaroon ng seguridad at kaligtasan, hindi lamang sa pribadong lugar, kundi pati na rin sa mga lansangan, pampublikong espasyo, online, lugar ng trabaho, at mga institusyong pang-edukasyon at pagsasanay.
Sa pagsulong ng patakarang ito, isinabatas ang “Safe Spaces Act”, upang bigyan ng proteksyon ang mga kababaihan laban sa anumang uri ng pambabastos. Kasama sa sekswal na panliligalig sa mga kalye at pampublikong espasyo ang catcalling, pagsipol, hindi gustong mga imbitasyon, misogynistic, transphobic, homophobic at sexist na pahayag, paulit-ulit na komento o kilos ukol sa hitsura ng isang tao, walang humpay na kahilingan para sa mga personal na detalye, pahayag ng mga sekswal na komento at suhestiyon, pampublikong masturbation o pagpapakita ng pribadong bahagi, o anumang pagsulong, sa salita man o pisikal na gawa, na hindi kanais-nais at nagdudulot ng banta sa personal na espasyo at kaligtasan ng isang tao. Kabilang sa mga pampublikong espasyo ang mga eskinita, kalsada, bangketa at parke.
May iba’t ibang uri ng mga aktong tinutukoy sa nabanggit na batas. Isa na rito ay iyong tinaguriang “gender-based street and public spaces sexual harassment”, “gender-based online sexual harassment”, “gender-based sexual harassment in the workplace” at “gender-based sexual harassment in educational and training institutions”.
Una nating tatalakayin ang “gender-based street and public spaces sexual harassment”. Ito ay iyong mga ginagawa sa mga gusali, paaralan, simbahan, restaurant, mall, pampublikong banyo, bar, internet shop, pampublikong pamilihan, terminal ng transportasyon o pampublikong sasakyan. Ang mga aktong ito ay pinarurusahan ng pagkabilanggo at multa, katulad ng mga sumusunod:
“(a) For acts such as cursing, wolf-whistling, catcalling, leering and intrusive gazing, taunting, pursing, unwanted invitations, misogynistic, transphobic, homophobic, and sexist slurs, persistent unwanted comments on one’s appearance, relentless requests for one’s personal details such as name, contact and social media details or destination, the use of words, gestures or actions that ridicule on the basis of sex, gender or sexual orientation, identity and/or expression including sexist, homophobic, and transphobic statements and slurs, the persistent telling of sexual jokes, use of sexual names, comments and demands, and any statement that has made an invasion on a person’s personal space or threatens the person’s sense of personal safety –
(1) The first offense shall be punished by a fine of One thousand pesos (P1,000.00) and community service of twelve (12) hours inclusive of attendance to a Gender Sensitivity Seminar to be conducted by the PNP in coordination with the LGU and the PCW;
(2) The second offense shall be punished by arresto menor (6 to 10 days) or a fine of Three thousand pesos (P3,000.00);
(3) The third offense shall be punished by arresto menor (11 to 30 days) and a fine of Ten thousand pesos (P10,000.00).
(b) For acts such as making offensive body gestures at someone, and exposing private parts for the sexual gratification of the perpetrator with the effect of demeaning, harassing, threatening or intimidating the offended party including flashing of private parts, public masturbation, groping, and similar lewd sexual actions –
(1) The first offense shall he punished by a fine of Ten thousand pesos (P10,000.00) and community service of twelve (12) hours inclusive of attendance to a Gender Sensitivity Seminar, to be conducted by the PNP in coordination with the LGU and the PCW;
(2) The second offense shall be punished by arresto menor (11 to 30 days) or a fine of Fifteen thousand pesos (P15,000.00);
(3) The third offense shall be punished by arresto mayor (1 month and 1 day to 6 months) and a fine of Twenty thousand pesos (P20,000.00).
(c) For acts such as stalking, and any of the acts mentioned in Section 11 paragraphs (a) and (b), when accompanied by touching, pinching or brushing against the body of the offended person; or any touching, pinching, or brushing against the genitalia, face, arms, anus, groin, breasts, inner thighs, face, buttocks or any part of the victim’s body even when not accompanied by acts mentioned in Section 11 paragraphs (a) and (b) –
(1) The first offense shall be punished by arresto rnenor (11 to 30 days) or a line of Thirty thousand pesos (P30,000.00), provided that it includes attendance in a Gender Sensitivity Seminar, to be conducted by the PNP in coordination with the LGU and the PCW;
(2) The second offense shall be punished by arresto mayor (1 month and 1 day to 6 months) or a fine of Fifty thousand pesos (P50,000.00);
(3) The third offense shall be punished by arresto mayor in its maximum period or a fine of One hundred thousand pesos (P100,000.00).”
Ang mga aktong nabanggit sa itaas ay nagiging “qualified”, dahilan upang mas mataas na parusa ang ipataw, kapag ang krimen ay isinagawa katulad ng mga sumusunod:
“(a) Kung ang aksyon ay naganap sa isang common carrier o PUV, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, mga jeepney, taxi, tricycle, o mga serbisyo ng sasakyan sa app-based transport service, kung saan ang may kasalanan ay ang driver ng sasakyan at ang nasaktang partido ay isang pasahero;
(b) Kung ang nasaktang partido ay isang menor-de-edad, isang senior citizen, o isang person with disability (PWD), o isang nagpapasusong ina na nagpapasuso sa kanyang anak;
(c) Kung ang nasaktang partido ay nasuri na may problema sa pag-iisip na may posibilidad na makakaapekto sa kanyang pagpayag;
(d) Kung ang salarin ay miyembro ng unipormadong serbisyo, tulad ng PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP), at ang gawa ay ginawa habang ang salarin ay naka-uniporme; at
(e) Kung ang aksyon ay naganap sa lugar ng isang ahensya ng gobyerno na nag-aalok ng mga frontline services sa publiko at ang may kasalanan ay isang empleyado ng gobyerno.”
Comments