top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Karapatan ng may-ari ng bahay sa paggamit ng pasilidad ng asosasyon

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 14, 2022
2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | February 14, 2022



Dear Chief Acosta,


Ako ay nagmamay-ari ng bahay at lupa sa aming subdivision, at ito ay pinaupahan ko sa aking pinsan. Ako ay gumawa rin ng kasulatan na kung saan, binigyan ko ng kapangyarihan ang aking pinsan na maging miyembro ng aming homeowners’ association.


Sa ngayon, ang aking pinsan na ang nagbabayad ng membership fee. Nais ko gamitin ang clubhouse ng subdivision para sa kaarawan ng aking anak, ngunit sinabi sa akin ng presidente ng aming asosasyon na hindi ako maaaring gumamit ng nasabing pasilidad dahil hindi ako ang nagbabayad ng membership fee. Maaari ba nilang gawin iyon sa akin kahit ako ang nagmamay-ari ng bahay at lupa sa loob ng subdivision? – Andy


Dear Andy,


Ang batas na sumasaklaw tungkol sa inyong katanungan ay ang Republic Act (R.A.) No. 9904 o mas kilala bilang “Magna Carta for Homeowners and Homeowners’ Associations” at ang kaakibat nitong Implementing Rules and Regulations (IRR). Nakasaad sa Section 10 ng nasabing IRR na:

“Section 10. Qualifications of a Member. – Every homeowner shall be qualified to be a member of the association.


A lessee of a member under a contract with a term of at least one (1) year may qualify to be a member and shall have the rights of a member upon procurement of a written consent/authorization from the owner of the lot/housing unit. Until the written consent or authorization is revoked in writing, the owner of the lot/housing unit is deemed to have waived the rights of a member except the right to inspect association books and records… xxx”


(Binigyang-diin)


Ang karapatan ng miyembro ng homeowners’ association na makinabang sa mga pasilidad nito ay may kaakibat na kondisyon at ito ay ang pagbabayad ng membership fee. Sa kadahilanan na inyong pinayagan ang taong nangungupahan sa inyong bahay na maging miyembro ng inyong asosasyon, ang pagbabayad ng membership fee ay tungkulin na ng nasabing tao.


Ayon sa nakasaad ng probisyon ng batas, sa pagkakataon na ang nagmamay-ari ng lote o bahay na sakop ng homeowners’ association ay magbigay-karapatan sa taong nangungupahan sa nasabing bahay na maging miyembro ng asosasyon, ipinagpapalagay ng batas na ang may-ari ng lote o bahay ay tinatalikuran ang kanyang mga karapatan bilang miyembro ng asosasyon, liban lamang sa karapatan niya na magsiyasat ng records ng asosasyon.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page