top of page

Karapatan ng mahihirap sa libreng libing

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 days ago
  • 3 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | December 28, 2025



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Sa ilalim ng Republic Act (R.A.) No. 12309 na may pinaiksing titulong "Free Funeral Services Act" na ganap na naging batas nitong September 20, 2025, ang mga mahihirap nating mga kababayan ay maaaring makahingi ng libreng serbisyo ng libing para sa mga namayapa nilang kaanak. Tinukoy ng Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev) ang isang mahirap na pamilya bilang may kita na mas mababa sa poverty threshold o ‘yung mga hindi kayang suportahan o tustusan ang kanilang mga payak na mga pangunahing pangangailangan sa pagkain, kalusugan, edukasyon, pabahay, at iba pang mahahalagang pangangailangan sa buhay gaya ng tinukoy sa ilalim ng Republic Act (R. A.) No. 8425, o kilala bilang "Social Reform and Poverty Alleviation Act".


Polisiya ng batas na ito na itaguyod ang isang makatarungan at dinamikong kaayusang panlipunan na tumitiyak sa kaunlaran at kasarinlan ng bansa at nagpapalaya sa mga tao mula sa kahirapan sa pamamagitan ng mga patakarang nagbibigay ng sapat na serbisyong panlipunan at nagtataguyod ng ganap na trabaho, tumataas na antas na pamumuhay, at pinabuting kalidad ng buhay para sa lahat.


Sa layuning ito, ang Estado ay dapat magbigay ng libreng serbisyo ng libing sa mga mahihirap na pamilya na hindi kayang magbayad ng wastong libing para sa kanilang mga namatay na kaanak. Ang pangunahing ahensya ng pamahalaan na magtataguyod nito ay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), katulong ang Department of Trade and Industry (DTI) na susubaybay at magre-regulate sa mga kasalukuyang presyo sa merkado ng mga serbisyo sa libing, kabilang ang presyo ng mga casket at urn, upang maiwasan ang hindi nararapat o labis na pagtaas ng presyo.


Upang makakuha ng indigent funeral package, ang namatayang mahirap na pamilya ay magsusumite ng mga kinakailangang dokumento, katulad ng mga sumusunod:

(a) Valid identification card of the claimant or beneficiary;

(b) Death certificate issued by the hospital or city/municipal health office, or certification from the tribal chieftain;

(c) Funeral contract signed by the representative of the deceased's family, the funeral establishment, and an authorized DSWD personnel; and

(d) Social care study prepared by any registered social worker.


Ang mga libreng serbisyo sa paglilibing ay ibibigay ng mga accredited funeral establishments saan man sa bansa sa mga mahihirap na pamilya sa bawat pagkakataon na sila ay mamamatayan ng isang miyembro ng pamilya. Ang bawat funeral establishment ay dapat magkaroon ng pare-parehong indigent funeral package, anuman ang uri o lokasyon ng naturang establishment, na magagamit ng lahat ng mahihirap na pamilya, ayon sa itinakda ng DSWD.


Ang mga funeral establishments na magbibigay ng mga libreng serbisyong libing sa mga mahihirap na benepisyaryo ay babayaran ng alinmang rehiyonal na tanggapan ng DSWD na may angkop na pag-apruba ng Regional Director ng nasabing ahensya. Ang pagbabayad ay ibabatay sa nakasaad sa pinirmahang kontrata sa pagitan ng kinatawan ng pamilya ng namatay, ng funeral establishment, at ng mga awtorisadong tauhan ng DSWD.      


Ang paglabag sa batas na ito ay may katumbas na kaparusahan katulad ng sumusunod:


- Anumang paglabag sa Batas na ito ay papatawan ng multa na hindi hihigit sa P200,000 at suspensiyon ng lisensya sa loob ng panahong hindi hihigit sa anim na buwan.

- Ang mga paulit-ulit na paglabag pagkatapos maalis ang suspensiyon ng lisensya ay papatawan ng mubidwal o establisimyento na mapatutunayang mapanlinlang na nanghingi o naglakad ng libreng serbisyo ng libing sa ilalim ng Batas na ito sa pamamagitan ng maling representasyon, palsipikasyon ng dokumento, o sabwatan ay paparusahan ng pagkakakulong ng hindi bababa sa anim na buwan at multang hindi hihigit sa P500,000.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page