top of page

Karapatan at obligasyon ng nangungupahan

  • BULGAR
  • Aug 31, 2022
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | August 31, 2022


Dear Chief Acosta,


Ako po ay kasalukuyang nangungupahan sa bahay sa halagang Php 6,000 kada buwan sa Pasig City at ang kontrata namin ng nagpapaupa ay hindi pa tapos. Gayunman, sinabihan ako ng may-ari na nagbabalak siyang isanla ang nasabing bahay sa ibang tao. Ang tanong ko, maaari ba akong paalisin sa inuupahan ko kung isasanla ito? - Hannah


Dear Hannah,


Para sa iyong kaalaman, ang iyong katanungan ay tinatalakay sa Republic Act (R. A) No. 9653 o mas kilala bilang Rent Control Act of 2009. Ang nasabing batas ang nagtatakda ng mga karapatan at obligasyon ng nangungupahan ng bahay na hindi hihigit sa P5,000 o P10,000 kada buwan depende sa lugar kung nasaan ang inuupahang bahay. Nabanggit sa Section 5 ng nasabing batas na:


“Section 5. Coverage of this Act. – All residential units in the National Capital Region and other highly urbanized cities, the total monthly rent for each of which ranges from One peso (P1) to Ten thousand pesos (P10,000) and all residential units in all other areas, the total monthly rent for each of which ranges from One peso (P1) to Five thousand pesos (P5,000) as of the effectivity date of this Act shall be covered, without prejudice to existing contracts.” (Binigyang-diin)


Nakasaad din sa Section 10 ng nasabing batas ang sumusunod:


“Section 10. Prohibition Against Ejectment by Reason of Sale or Mortgage. - No lessor or his successor-in-interest shall be entitled to eject the lessee upon the ground that the leased premises have been sold or mortgaged to a third person regardless of whether the lease or mortgage is registered or not.”


Malinaw na nabanggit sa probisyon ng batas na hindi maaaring mapaalis ang nangungupahan sa kadahilanang ang inuupahang bahay ay isinanla na sa ibang tao, kahit pa ang nasabing pagsanla ay nakarehistro o hindi. Kaya naman, dahil pasok ang buwanang renta mo sa halagang itinakda ng R.A. No. 9653, ikaw ay protektado ng Section 10 nito. Hindi ka maaaring mapaalis ng nagpapaupa o ng mapagsasanlaan ng bahay.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

3 Comments


neragermano1991
Nov 09, 2025

kung ang inuupahan ko na commercial ay pinagawa ko at pumayag ang may ari,tapos nung aalis na ako ay tatangalin ko..bawal daw po ba un sabi ng may ari?

Edited
Like

arielynmaullein5
Nov 21, 2022

sana po masagot kung ano po ba dapt

Like

arielynmaullein5
Nov 21, 2022

may ittnung lang po ako nangungupahan po ako dto sa montalban rizal ang buwanang upa kopo ay 3ooo pesos kada buwan, may 1 month advance at deposit po ako sa may ari lumipat po ako nung september katapusan kaso po nung oct katpusan po ako po ay hndi nakapagbyad ng upa kase po ang aswa ko po ay hndi pa po nkkasahod kaya po nallate kami nung magbbyad na po ako ang gusto nya po iadvance kona daw po ang upa ko for month ng november para po di kami paalisn ang kaso po ang pera kopo ay 4500 palng iaadvance kopo sana yung kalahti kaso ang gsto nya po ay buong 6ooo kahit di pa po namin bayran …

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page