top of page
FRANKLY - ANAK NI PATRICK, LALONG NA-BASH AT NA-BULLY-IG _onlypatrickgarcia.jpg

Karaoke 3X3, sasabak sa ABL Champions Cup

BULGAR
Apr 12, 2022
1 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | April 12, 2022


Kakatawanin ng Platinum Karaoke 3x3 ang Pilipinas sa ASEAN Basketball League (ABL) International Champions Cup ngayong Abril 16 at 17 sa Bali, Indonesia. Handa sina Chris De Chavez, Juan Gomez de Liano, Carlos Martinez at Marcus Hammonds II sa hamon ng mga pambansang koponan at ABL club.

Maliban sa gantimpalang $10,000 (P520,300), ang kampeon ay tutuloy sa isang FIBA 3x3 Challenger na susi upang makalahok sa FIBA 3x3 World Tour. Dahil dito, nanigurado si Coach Anton Altamirano at team manager Gerber Manahan na makabuo ng palaban na koponan.

Si De Chavez ay beterano ng World Tour at isa sa mga matinik na shooter sa kasalukuyang PBA 3x3. Kagagaling lang ni Gomez de Liano sa paglalaro sa Japan at may karanasan sa 2017 FIBA 3x3 Under-18 World Cup kung saan nagtapos ng ika-7 ang Pilipinas.

Naninirahan si Hammonds sa bansa sa nakalipas na dalawang taon matapos maglaro sa Chooks To Go 3x3 at katatapos lang niyang maglaro bilang import sa 3BL ng India. Si Martinez ang numero unong 3x3 player ng Espana at dalawang linggo na nag-eensayo dito.

Ang palaro sa Bali ay bahagi ng pagsisikap ng ABL na buhayin ang kanilang liga na nahinto ng dalawang taon dahil sa pandemya. Ayon kay Coach Altamirano, kung maganda ang kalalabasan ay baka maging bahagi ang 3x3 ng kalendaryo ng ABL kasabay ng kanilang larong limahan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page