Kapwa artista, humarap sa Senado… SEN. ROBIN, OBYUS DAW NA MAY KINIKILINGAN SA PAGTATANONG KAY MARICEL
- BULGAR

- May 9, 2024
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | May 9, 2024

Ang daming netizens na nag-react nang humarap ang aktres na si Maricel Soriano sa Senado.
Ginisa siya ni Sen. Bato Dela Rosa sa Senate hearing dahil sa pagkadawit sa drug issue, pero ang lahat ng alegasyon sa kanya ay matapang niyang sinagot.
Ang daming humanga sa aktres dahil buong-tapang niyang hinarap ang mga mambabatas.
Sey ng mga netizens, “Dapat kasuhan ni Maricel ang lahat ng nagdawit sa pangalan n’ya, wala namang proof o ebidensiya. Tama ‘yung sinabi n’ya na let her lawyer respond.
Karapatan n’ya ‘yun to be represented by a lawyer. And ano'ng konek ng katulong sa Senate inquiry? Ni hindi nga nagkaso ‘yung mga katulong.”
“Dapat ‘yung secret agreement sa Tsina ang gawing Senate inquiry topic dahil ‘yun ang totoong in aid of legislation. Kung at war lang tayo, treason na ang ginawa ng mga nagbenta sa Tsina.”
“Truth. As in her statement, bakit s’ya nakarating sa Senado nang walang confirmation ‘yung sa witness at walang proper investigation? Si Dela Rosa, hindi maintindihan ang mga tanong na straight, parang iwas. Si Robin (Padilla), halatang may kinikilingan, kapwa artista, eh. Tsk.
Let’s vote wisely naman, please. This Senate is a circus!”
“I was actually waiting for the Maria na we all know and love na sumagot na mataray.”
“She cannot be mataray here as that would be points against her. ‘Yung taray image n’ya was more for publicity before. For sure, her lawyers advised her well.”
“Easy to appear kapag wala kang itinatago. Ang bilis lang n’ya nag-agree na i-provide ‘yung requested document.”
“She doesn't deserve this, especially, alam ko she did her part to campaign para sa gobyernong tapat.”
“Power tripping talaga ‘yung admin dati, kasali na ru'n si Bato.”
“Kilay on fleek si Maria. In fairness ah, kilay pa lang katakot na.”
“Nag-leak ang old PDEA report, na supposed to be for under surveillance ang isang lugar na bahay pala ni Maria kasama si BBM, du’n sila umano nagse-session pero hinarang ni Ochoa, ‘yung kanang-kamay ni P-Noy dati. Kaya si Marya, nasa Senate, para i-confirm kung kanya nga ‘yung condo sa Rockwell na subject sana for surveillance.”
“Parang star struck si Bato ah, haha.”
“It’s clear they dragged her name to generate attention, she doesn't deserve this. Instead, they should focus on those responsible for spreading these false accusations.”
“Pati ba naman si Maria, idinamay n'yo pa. Kung pelikula ‘yan, pinagsasampal na kayo.”





Comments