top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kapuso host, biased daw kasi… BBM, DINEDMA SI JESSICA, KAY BOY NAGPAINTERBYU

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 23, 2022
2 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | January 23, 2022




Usap-usapan ang naging pagtanggi ng presidential candidate na si Bongbong Marcos na magpainterbyu kay Jessica Soho habang pumayag ito kay Boy Abunda.


Nag-imbita ang GMA News and Public Affairs ng limang nangungunang presidential aspirants para sa The Jessica Soho Presidential Interviews na napanood kagabi, Enero 22 (Sabado), 6:15 PM sa Kapuso Network.


Pumayag sina Ping Lacson, Isko Moreno, Manny Pacquiao at Leni Robredo, pero umayaw daw si Bongbong.


Sa teaser nu'ng Biyernes sa 24-Oras, tahasang tinanong ni Jessica ang apat na presidentiables sa mahahalagang isyu ng bayan at kung ano ang ihahain nila sa kanilang mga plataporma.


Ito ang ilan sa mga tanong ng mahusay na journalist…


"Ipagpapatuloy mo ba ang war on drugs?"


"Isusulong n’yo ba ang pagpapatupad ng desisyon ng International Tribunal at paano ho kaya ninyo kukumbinsihin ang China na sumunod at igalang ang desisyong ito?"


Ang mga sagot nila ay narinig kagabi.


Sa parte naman ng The 2022 Presidentiables One-On-One Interview with Boy Abunda mula Enero 24 hanggang 26 sa The Boy Abunda Talk Channel (6:00 p.m.) sa YouTube, at sa Kapamilya Channel (11:00 PM pagkatapos ng The World Tonight) ay unang mapapanood si Ping sa Enero 24, sa Tuesday naman si BBM, then susunod si Leni Robredo, tapos ay si Isko at ang huli ay si Pacquiao.


Samantala, binigyang-kulay ang hindi pagpapaunlak ng interbyu ni BBM kay Jessica.


Ayon sa kaibigan ng isang talent manager, "Almost 5 years, absent sa Oxford, absent sa drug testing, absent sa hearing, absent sa pandemic, absent sa GMA-7.


"Pero present sa birthday party, Christmas party, binyagan, caravan, karaoke at vlog ni Toni Gonzaga."


"Tayo, bilang publiko, ang may kailangan ng ganitong interviews at debates para lalo pa nating makilala ang mga kandidato. Kaya ang mga kandidato na hindi magpapaunlak nito ay walang pakialam sa tao. Hindi porke mataas ka sa surveys ay hindi ka na matitibag."


Dahil dito ay sinabihan umanong duwag si BBM at trending ito ngayon sa socmed.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page