Kapuso actress, pasado kay Vice… KIM, TAGILID SA ITS SHOWTIME SA PAGPASOK NI BARBIE
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 4, 2023

Ngayon pa lang ay parang pinagsasabong na ng mga tao sina Barbie Forteza at Kim Chiu dahil sa naging guesting ng una sa It’s Showtime last July 1.
Nag-viral kasi ang video ni Barbie kung saan ay makikitang sumisigaw siya ng “What’s up, madlang people!!!” na in fairness ay napakabongga naman talaga nang pagkakasabi.
Bukod dito ay nag-tweet pa si Vice Ganda na bagay daw si Barbie sa It’s Showtime at type niya ang vibe nito.
May mga naghinala na baka kunin daw si Barbie na co-host sa It’s Showtime at kapag nagkaganu’n daw, eh, paano na si Kim?
Halos pareho rin kasi ng image sina Barbie at Kim na kikay, funny and bubbly at kung nasa isang show sila ay malamang na magkaroon ng kompetisyon.
Pero mukhang wala namang dapat ipag-aalala ang mga fans nila dahil tila dedma naman sina Kim and Barbie sa intriga ngayon sa kanila.
Sa Twitter ay nagpalitan pa ng mensahe ang dalawa at parehong nagpasalamat sa isa’t isa.
“Maraming maraming salamat po, @itsShowtimeNa Family, Kapamilya, Kapuso at mga kaibigan kong @BarbieNatics at true & solid BarDa!!!” tweet ni Barbie.
Sinagot naman ito ni Kim ng, “Nice to finally meet you, Barbie!”
Sumagot naman si Barbie ng, “Honored to have shared the dance floor with you po, Captain!”
So, there!





Comments