top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Ginamit sa online dating app… JEREMY, SHOCKED NA PINUNTAHAN NG MGA BAKLA SA BAHAY PARA MAKIPAG-SEX

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 5, 2022
3 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | April 5, 2022



Nababahala ang GMA-7 artist na si Jeremy Sabido sa kanyang seguridad dahil sa paggamit sa kanyang pangalan para makapambiktima sa social media.


Sa kanyang Facebook page ay nag-post ng panawagan si Jeremy sa publiko especially his friends and family.


Ayon kay Jeremy, may nagpapanggap bilang siya sa online through PLANET ROMEO na isang gay dating app.


Paglilinaw ni Jeremy, “Hindi po ako gay, ako po ay kaalyado at sumusuporta sa LGBT pero kung kayo po ang nasa lagay ko na may 5 na pong tao, lahat po ay galing sa app na 'yun, ang pinakanakakatakot po kasi dito ay alam po mismo nu'ng taong nagpapanggap bilang ako ang aking exact address. So, may mga tao na kumakatok sa pintuan namin at ako ang hinahanap. WALA PO AKONG ACCOUNT SA APP NA ITO.”


Nagbanta si Jeremy sa taong nagpapanggap bilang siya na maaari siyang magsampa ng kaso at ipahanap ang poser niya hanggang sa itigil na ang ginagawa nito.


“Para naman po sa mga nakakausap nitong tao na ito or para kahit kanino na nasa online dating sites, maging mapaniguro po tayo sa mga nakakausap natin online. Hindi po masamang mag-ask ng proof kung sila po talaga ang taong kikitain natin. Buhay po natin ang nakasalalay dito. Sa bawat meet-up po from someone online, hindi natin alam kung ano na ang pangyayari kapag nag-meet-up. Maging mapanuri po tayo sa mga nakakausap natin online, 'yun lamang po. At mag-ingat po tayong lahat,” kabuuan ng mensahe ni Jeremy sa kanyang FB post.


Pero ang labis na ikinagulat pa raw ni Jeremy ay nu’ng may nagpunta sa bahay niya at hinahanap siya. Not once or twice raw na may nagpunta sa bahay niya.


“Ang unang-una po na pumunta sa bahay namin ay ‘yung 4 AM, taga-Fairview siya. Ako kasi ‘yung bumaba dahil walang humaharap. Mga kapatid ko kasi, tulog na. So, ako ‘yung bumaba. Tapos, ipinakita niya sa akin ‘yung mga convo namin, na ‘yung poser nga, nandu'n ‘yung mga pictures ko. Tapos, sabi niya, 'Mag-isa lang ako sa bahay,' dito sa bahay. Ako ‘yun, ‘yung poser ko ang nagsabi doon sa nagpunta sa bahay namin na mag-isa lang daw ako sa bahay. Kaya daw siya pinapunta dahil gusto raw siyang ano, makipag-chill, ta's (tapos) ganoon. Tapos, may dala pa nga siya na singkamas.


“After noon, may nagpunta naman kinabukasan. Nagpapanggap na kapatid ko siya, ‘yung poser. James Sabido naman ‘yung hinahanap. Naghahanap kay James Sabido.


“And then, kinabukasan, may pumunta ulit nang 1 AM. Dalawang tao naman, isang naka-taxi, isang naka-angkas na hinahanap naman ako ulit. So, ‘yung isa, nakita ko. Sabi ko, ‘Kuya, ano ‘yun?’ Nakatingin kasi siya sa bahay namin, parang sumisilip-silip. Doon ako kinabahan. ‘Ano po 'yun, Kuya?’ Eh, di hinabol ko.


"Tapos, ‘yung guard naman doon sa village namin, sinusundan naman niya ‘yun. Kaya tanong ko sa guard, ‘Kuya, ano po ‘yung hinahanap? Sino po ‘yung hinahanap?’ Jeremy Sabido raw. Sabi ko sa guard, ‘Kuya, walang Jeremy Sabido rito. Baka mali siya ng hinahanap.'”


Pagkatapos daw nu’ng nagpunta sa bahay niya at 1 AM, meron pa raw sumunod agad-agad na nakasakay sa taxi. Sabi raw ng guard kay Jeremy, magkasama na raw na naglalakad 'yung magkasunod na pumunta sa bahay niya.


“Hindi ko alam kung magkakilala o nagkita lang sila sa lugar namin. Pero sinundan namin sila hanggang 7/11. Tiningnan namin (nu’ng guard), wala na,” kuwento pa ni Jeremy.


Sinubukan daw nilang hanapin sa LTO ang number ng taxi na nakita nila na gamit nu'ng mga nagpunta sa bahay ni Jeremy, pero wala raw 'yung number sa LTO registration.


May nagsabi naman kay Jeremy na nakitang nakasakay sa naturang taxi 'yung mga galing sa bahay niya, kaya nagduda siya na baka magkasabwat ‘yung magkasunod na pumunta sa bahay niya.


Hindi pa d’yan natapos ang kuwento ni Jeremy ng mga nagpupunta sa bahay niya na hinahanap siya pero ‘di niya kilala.


Kinabukasan naman daw ay may nagpunta rin sa bahay niya na naka-kotse. But this one is different. Gusto naman daw nito na makatulong na matunton ‘yung poser niya.

Binlock na raw nu'ng gustong tulungan si Jeremy nu’ng poser niya, kaya nawala na raw ang connection nila.


Lahat daw ng nagpunta sa bahay ni Jeremy ay gay.


“Pero lahat ng mga pumupunta, ang gusto lang nila is ‘yung sex siyempre, kasama ‘yun. And ‘yung poser naman, hindi siya nang-i-scam. Hindi ko alam kung ano ang motibo niya,” lahad pa ni Jeremy.


Kaya raw hindi rin siya makapag-file ng complaint sa kapulisan.


“Hindi ko po tinry na mag-report sa mga pulis kasi palagay ko, lahat ng pumupunta sa bahay namin ay biktima rin po. So, hindi ko sila maakusahan kasi wala naman silang ginawang masama sa akin. Hindi rin po namin alam kung sino ‘yung irereklamo kasi nga poser siya.”

Kaya ang ginawa na lang daw ni Jeremy ay mag-file ng report sa kanilang barangay.

Panawagan ni Jeremy na tumigil na kung sinuman ang gumagawa nito at maging alerto rin ang mga kasamahan sa showbiz sa ganitong masamang gawain.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page