top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kapit lang, ghorl, walang susuko! KC, TODO-ASA PA RING DARATING ANG MR. RIGHT NIYA

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 6, 2022
2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | February 06, 2022



Inamin ni KC Concepcion na sobrang nami-miss na niya ang show business at ang pag-arte. As we all know ay kasalukuyang nasa Los Angeles si KC at medyo matagal-tagal na rin siyang naka-stay doon.


Sa kanyang panayam sa vlog na Over a Glass or Two, ayon kay KC ay natutunan na rin niyang mahalin ang pag-arte simula nang gawin niya ang pelikulang Forever and A Day with Sam Milby in 2011 at ang teleseryeng Huwag Ka Lang Mawawala with Judy Ann Santos in 2013.


“'Yun ‘yung first two roles na ‘Wow! Okay, I love acting,’ parang na-gets ko na. And then, natututo na ‘ko, may mga pinagdaanan na rin ako in real life. By that time, medyo parang lumalim na siguro ‘yung life experiences ko.


“And you know, ABS-CBN has been super patient with me. They workshop everybody and they teach you the craft kaya mamahalin mo talaga.


“And my mom (Sharon Cuneta) always taught me the magic of movie making. I grew up na para akong nagpi-film class,” sey ni KC.


Kaya nga raw nagparamdam na rin siya sa mga kaibigan niya rito sa Pilipinas.


“I miss it very much. Actually, nagparinig na ako the other day sa mga friends ko du’n sa Manila na ‘Uy, parang gusto kong pumroject.’ Sabi ko, ‘Parang gusto kong bumalik, nami-miss ko na ‘yung pag-aartista,’” pagbabahagi niya.


Tutal naman daw ay na-establish na niya ang iba niyang mga trabaho at mga sinimulan niyang negosyo, so this time, parang ready na rin daw siyang bumalik sa pag-aartista.


“Parang gusto ko na rin ulit talaga,” she said.


Na-excite naman ang mga fans ni KC sa kanyang sinabi at ang request nga nila’t pinakaaabangan noon pa ay ang reunion project nito with ex-boyfriend, Piolo Pascual.


Samantala, nang mapag-usapan ang love life, sinabi ni KC na loveless daw siya talaga ngayon.


“Ang dami-dami kong kinabi-busy-han, pero you know, siyempre, at the end of the day, like nakikita ko ‘yung ibang friends ko, may mga family, may mga partner. 'Pag nagluluto during the pandemic, at least 'di ba, may purpose sila, may kasama sila.


“Ako, mga scholars ko, ‘yan, mga aso ko ang scholars ko, inaanak ko,” sey ni KC na natatawa.


Pero alam naman daw niyang darating din ang lalaking para sa kanya.


“There is someone there for me and I know that you know. . . hihintayin ko ‘yung time na may magsabi sa akin, ‘I think, you need someone like me,’” sey ni KC.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page