Kapapasok pa lang ng 2021, dagdag-pahirap sa mga Pinoy sa 2022 na ang iniisip na ng Duterte gov’t.

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | January 29, 2021
2021 PA LANG, PERO INIISIP NA NG DUTERTE GOV’T. ANG PAGTATAAS NG BUWIS SA 2022—Ayon kay Finance Sec. Carlos Dominguez, posibleng magpataw ng mga panibagong tax sa mamamayan ang Duterte gov’t. para makaahon ang ekonomiya ng bansa.
Pambihira, mantakin ninyo ay kapapasok pa lang ng 2021, eh, ang iniisip na ng gobyerno ay ang dagdag-pahirap sa mamamayan sa 2022, buwisit!
◘◘◘
PILIPINAS, PINAKAMAHABANG LOCKDOWN, MARAMING UTANG, PERO WALA PA RING BAKUNA—Binanatan ni dating Solicitor General Pilo Hilbay ang Duterte gov’t. dahil masyado raw makupad sa pag-angkat ng bakuna para sa mamamayan na pangontra sa COVID-19.
Tirada ni Hilbay, Pilipinas ang may pinakamahabang lockdown sa buong mundo, pero patuloy pa rin ang pananalasa ng virus sa bansa. Dagdag pa nito, sa kabila na sangkaterbang inutang para pambili ng COVID-19 vaccines, hanggang ngayon ay wala pa ring bakuna ang Pilipinas, boom!
◘◘◘
PILIPINAS, RANK 79 SA LABAN KONTRA COVID-19, PERO KAPAG NAGBIDA SI ROQUE, PARANG NO. 1 ANG DUTERTE GOV’T.—Sa sampung bansa (New Zealand, Vietnam, Taiwan, Thailand, Cyprus, Rwanda, Iceland, Australia, Lavia at Sri Lanka) ang itinala ng WHO (World Health Organization) na matagumpay na nalabanan ang COVID-19 at sa data ay rank 79 ang Pilipinas.
Mantakin n’yo, pang-79 lang ang Pilipinas, pero kung magdadakdak sa publiko si Presidential spokesman Harry Roque ay parang number 1 sa galing ang Duterte gov’t. sa paglaban sa pandemya, pwe!





Comments