Kapamilya talents, nasa TV5 na… BERNADETTE: ABS-CBN PARANG GHOST TOWN NA
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | January 21, 2022

Aside sa pagsusulat ng mga kanta ay pinasok na rin ni Bernadette Sembrano ang pagba-vlog.
Pinuntahan ni Bernadette si Alex Gonzaga sa taping nito ng Lunch Out Loud para lang magpaturo sa TV host-actress-vlogger dahil alam niyang hasang-hasa ito sa vlogging.
Sa bagong uploaded video ng broadcaster-newscaster ay ibinahagi niya ang pagkikita nila ng mga dating kasamahan sa ABS-CBN. Halos lahat kasi ng kasama ni Alex sa LOL ay pawang galing sa Kapamilya Network.
Nang makita ni Bernadette ang mga dating kasamahan sa taping ng LOL na napapanood sa TV5, hindi niya napigilan na maging emosyonal.
Agad na tumulo ang kanyang mga luha nang makita ang mga dating kasamahan niya sa ABS-CBN. Nagbalik umano sa kanya ang hirap na kanilang pinagdaanan.
Kabilang sa kanyang mga nakita roon ay sina Billy Crawford, Wacky Kiray, Bayani Agbayani at ilan pang mga nakatrabaho niya sa likod ng camera.
Kuwento nga ni Alex, maging siya ay nagulat nang una siyang pumasok sa TV5 dahil halos 90 percent umano ng nandu'n ay mula sa ABS-CBN.
Kuwento naman ni Bernadette, parang ghost town na sa ABS-CBN dahil wala na ang dati ay maraming mga employees na naglalakaran sa hallway.





Comments