Kapamilya at AllTV, sanib-puwersa… TONI, BALIK-ABS-CBN DAW, VIEWERS NAGBANTANG IO-OFF ANG TV
- BULGAR
- Jan 27, 2024
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | January 27, 2024

Todo-reak ang mga netizens sa kumalat na news sa X (dating Twitter) na may magbabalik sa ABS-CBN.
Mula sa account name na Kapamilya Outsider sa X ay naka-post ang logo ng ABS-CBN na may blurred na shadow ng logo ng isang TV network.
Duda ng mga netizens, logo ito ng AllTV Network na pag-aari ng mag-asawang Manny at Sen. Cynthia Villar.
Say ng mga netizens, “Collaboration ba ito ng ABS-CBN at AllTV?”
“Makiki-blocktime na rin sila sa AllTV? Buti naman kahit papaano. Bukod sa Mhies on a Mission saka Kuha All, wala na yata silang ibang programa bukod sa movie blocks, lumang Asianovela at mga lumang serye ng ABS.”
“50-50 daw yata.”
Nagkaroon ng ganitong ideya ang mga netizens dahil na rin sa caption na nakalagay sa X na: “Lahat ay magsasaya dahil may magbabalik-tahanan ngayong 2024. Mas lalawak na muli ang ating pagsasama, mga Kapamilya. Abangan!”
May mga netizens ang nag-post ng logo ng AllTV at may tagline na "Saya ALL!”
Mukhang may point ang mga netizens na nag-conclude sa pagsasanib-puwersa ng dalawang TV networks. At maganda ang naging punto-de-vista ng usapan nila sa X, hah?
“It seems that this only mean na nakuha na ulit ng ABS-CBN 'yung frequency, not literally makikipag-collab sila sa AllTV. Just analyzing 'yung photo, tinabunan sila ng ABS-CBN. Kasi if magko-collab sila, puwedeng 'yung photo is naka-blur parehas. Just a theory.”
“No, they need ng panibagong application for franchise, plus Congress approval if bubuwagin ang AllTV at ibabalik ang Channel 2 frequency sa ABS. AllTV is bleeding, walang ratings at advertisers kaya need nila ABS contents at partnership. Pabor sa ABS para magamit ulit transmitters.”
As usual, may pabor at hindi if ever magkaroon ng collab ang ABS-CBN at AllTV.
“If this is ALL TV partnership/merger or whatever the f*ck they’ll do together… ta*na, sobrang kadire.”
“Sana walang collab with ALLTV. Huwag nang suportahan ang mga buwaya.. wahhaa.”
“Minsan siguro, para makapagserbisyo, sasayaw sa tugtog ng panahon. Makikipaglaro.”
Pero ang nakatawag din ng pansin ng mga netizens sa caption ng naka-post sa X, ang balitang ‘may magbabalik-tahanan sa 2024.’
Na-gets agad ng mga netizens kung sino ang tinutukoy dito at ito’y walang iba kundi si Toni Gonzaga!
“Huwag ninyong subukang ibalik ang most powerful celebrity. Papatayan kayo ng TV.”
“Don’t bring the Gonzaga sisters, just a nashlene tribute special is enough.”
“Kung AllTV at enabler sisters, susko ABS!!!!!!! Utang na loob!!!!!!!!!”
Hala!




Comments