Search
  • BULGAR

Kapalpakan nina Health Sec. Duque at Gen. Sinas...

malaking kasiraan sa reputasyon ng administrasyong Duterte, period!

ni Ka Ambo - @Bistado | June 25, 2020



Ayon kay Pangulong Duterte, may tiwala pa siya sa kanyang mga tauhan na nag-aasikaso kontra COVID-19.


Siya ‘yun, pero hindi ang ordinaryong tao.


Ang mamamayan ay wala nang tiwala sa ilang tauhan ni P-Digong na maaaring makasira sa kanyang reputasyon!


◘◘◘


May dalawang bugok na itlog sa estante ng Malacañang.


Ito ay sina Health Secretary Francisco Duque at NCRPO Chief Debold Sinas.


Hindi ito paninira, bagkus ay aktuwal na nasasaksihan ng taumbayan ang kanilang kapalpakan!


◘◘◘


Ang nagsasabing palpak si Sec. Duque ay ang mismong dating presidential COVID-19 adviser na nagbitiw sa puwesto.


Lantarang inakusahan ni Health reform advocate Dr. Tony Leachon na nilalaro at hindi reliable ang datos na inilalabas ng DOH!


◘◘◘


Nababahala si Dr. Leachon na nanganganib ang buhay ng mga Pinoy dahil sa palpak na pangangasiwan ng DOH sa COVID-19.


Isang paninira ba ‘yan?


Hindi si P-Digong ang sinisiraan, bagkus ay nagmamalasakit ang taumbayan sa Malacañang!


◘◘◘


Sa kabilang panig, ang ikalawang pasanin ni P-Digong ay ereng si NCRPO Chief Debold Sinas.


Inilalarawan si Gen. Sinas sa social media kakambal na “mañanita” na idinidikit sa exemption sa regulasyon ng COVID-19.


Hamakin mo ang isang heneral ay may konotasyon ng paglabag sa quarantine protocol!


◘◘◘


Paano nakapagtrabaho “nang maayos at epektibo” ang isang heneral na may konotasyon ng paglabag sa batas?


Malinaw na nakakasira ito sa imahe ni P-Digong, pero nakapagtatakang nananatili ito sa posisyon!


◘◘◘


Kapag ba sinabi ng pangulo na “may tiwala sa kanyang tauhan”, nangangahulugan bang luminis ang kanyang reputasyon o nananatili pa rin ang pangit na imahe sa PNP?


Hindi maaaring linisin ng salita ni P-Digong ang isang aktuwal na paglabag sa batas!


◘◘◘


Minamaliit ngayon ang buong PNP dahil lumilitaw na “walang gaanong mahusay” na lider ang pulisya na maaaring ipalit kay Sinas.


Lumalabas din na kapag “malapit” kay P-Digong ay puwede nang exempted sa protocol.

Nakakahiya ang ganitong klase ng mga lider!


◘◘◘


Si dating Pangulong Ferdinand Marcos, Cory Aquino at Gloria Macapagal Arroyo ay dating naging masyadong popular sa taumbayan—pero dahil sa palpak na mga ayudante—unti-unting nasira ang tiwala sa kanila ng taumbayan.


Dapat ingatan pa rin ni P-Digong ang kanyang imahe—hindi siya ang sumisira sa sarili niyang pangalan, bagkus ay ang mga palpak niyang ayudante!


◘◘◘


Hindi sinisira sina Sec. Duque at Gen. Sinas ng mga Anti-Duterte, bagkus ay ang maling desisyon at aksiyon mismo ng dalawa ang sumisira sa sarili nilang reputasyon.


Mas grabe, idinadamay nila ang pangalan ng Pangulo sa maruming larawan na kanilang ipinopostura sa publiko!


◘◘◘


Kailan kaya mauumpog ang ulo ni P-Digong upang matauhan siya sa pagkunsinte kina Sec. Duque at Gen. Sinas?


‘Eka nga sa likuran: Dapat regulahan nina Sec. Duque at Gen. Sinas si P-Digong—hindi ng facemask, bagkus ay ng “helmet”!

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.