Kapalmuks si Pialago, todo-promote ng partylist at tuloy ang suweldo, buwisit!
- BULGAR
- Jun 29, 2021
- 2 min read
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | June 29, 2021
NON-STOP ANG PAMBA-BASH NG MGA TROLLS SA YUMAONG SI EX-P-NOY—Mula nang mamatay, sa libing at hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pamba-bash ng mga trolls sa yumaong si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.
Malupit din naman ng mga nagha-handle sa trolls kasi hindi man lang sila pinag-day-off nang mamatay si ex-P-Noy at ang masaklap, pinag-overtime pa kaya non-stop ang kanilang pamba-bash, boom!
◘◘◘
HINDI PINASUSUWELDO NG TAUMBAYAN SI PIALAGO BILANG MMDA OFFICIAL PARA I-BUILD-UP ANG KANYANG PARTYLIST—Noong January 2021 ay kinumpirma ni election lawyer Emil Maranon na inirehistro ni MMDA (Metro Manila Development Authority) spokesperson, Asec. Celine Pialago ang kanyang “Malasakit Movement” bilang partylist, at kahapon (Lunes) ay nag-post si Pialago sa kanyang Facebook account nang “Happy Monday, aarangkada na naman ang ‘Team Malasakit Movement’ ngayong linggo.”
Kung totoo ang ibinulgar ni Maranon na ipina-rehistro ni Pialago ang kanyang “Malasakit Movement” bilang partylist ay bad ang ginagawa niyang pagbi-build-up dito habang nanunungkulan siyang spokesperson ng MMDA kasi hindi naman siya sinusuwelduhan ng taumbayan bilang MMDA official para lang i-build-up kanyang partylist, period!
◘◘◘
SA DAMI NA GUSTONG MAGPULIS-PULISAN, BAKA LALONG DUMAMI ANG BIKTIMA NG EJK—Nabahala ang Commission on Human Rights (CHR) sa kagustuhan ni P-Duterte na armasan ang mga sibilyan na nais makatulong sa gobyerno sa paglaban sa kriminalidad.
May puntong mabahala ang CHR kasi kapag armado na ang mga sibilyan na nais “magpulis-pulisan” ay baka lalong dumami ang maging biktima ng EJK, boom!
◘◘◘
BAKA MAGMISTULANG “WILD, WILD WEST OF ASIA” ANG PILIPINAS SA DAMI NG MGA TAONG MAY BARIL—Hindi lang ang CHR, kundi pati ang ilang mambabatas at iba’t ibang sektor ay nabahala sa kagustuhan ni P-Duterte na armasan ang mga sibilyan na gustong “magpulis-pulisan”.
Baka kasi magmistulang “Wild, Wild West of Asia” na ang Pilipinas sa kaliwa’t kanang patayan dahil sa dami ng mga taong may baril sa ‘Pinas... ‘katakot!





Comments