Kapalit ng mga sampal sa aktres… KIM, BINIGYAN NI MARICEL NG 5 PAIRS NG CHRISTIAN LOUBOUTIN SHOES
ni Julie Bonifacio @Winner | November 4, 2023

Sa awa ni Diamond Star Maricel Soriano kay Kim Chiu, niregaluhan niya ang Kapmilya star at It’s Showtime host ng branded shoes.
And not just one, nor two, hah, but five expensive pairs of Christian Louboutin shoes!
At bakit naman magreregalo si Marya ng ganoon karaming mamahaling sapatos kay Kim gayung afford na afford naman ng It’s Showtime host ng ganoon karaming shoes at higit pa?
Ang mga shoes na bigay ni Marya ay kapalit ng mga sampal at pananakit na inabot ni Kim sa Diamond Star sa mga eksena nila sa Linlang.
Aminado si Marya na sobra siyang naawa sa pananakit niya kay Kim.
Natawa na lang si Kim nu’ng sinasabi ni Marya na naawa siya sa girlfriend ni Xian Lim. At tila gusto pang pasampal kay Marya para mas maraming CL shoes.
Sa true lang, kulang ang limang CL shoes para sa “pananakit” na inabot ni Kim kay Marya, ‘di ba?
But then again, iba pa rin talaga kapag nasampal ka on screen ng nag-iisang Diamond Star, ‘noh?!\
Ganern!





Comments