top of page
Linda Walker - Circulated.jpg

Kapag tumakbo raw na senador… "MANANALO AKO, SIGURADO" — ROBIN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 8, 2020
  • 3 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | December 8, 2020




Nakita naming may hawak-hawak na diaper cloth si Robin Padilla sa loob ng Cinema 9 ng Sta. Lucia East Mall noong Sabado para sa special screening ng ipinrodyus niyang pelikula na Memoirs of A Teenage Rebel na inisip namin kung para saan kasi malamig naman sa loob ng sinehan at alangan namang pamunas niya ng pawis. ‘Yun pala, pamunas niya ng luha.


Nakakaiyak naman pala ang kuwento ng Memoirs of A Teenage Rebel dahil tunay na pangyayari


ito sa buhay ng mga dating miyembro ng National People's Army na nagbalik-loob na sa gobyerno, tulad ng dating babaeng NPA, isang urban poor recruiter na naabuso sexually habang nasa organisasyon, nanay na hanggang ngayon ay hinahanap at hinihintay ang pagbabalik ng kanyang anak na babaeng tinedyer, at marami pang iba.


“Umaasa po ako na isang araw ay makikita at muli kong mayayakap ang anak ko," ang umiiyak na pahayag ng nanay.


Hindi ito isinadula ng mga kilalang artista kundi ang mga dating miyembro mismo ng NPA ang bida at buong-tapang silang humarap sa camera para isa-isang isalaysay kung paano sila nagsimulang mahikayat na sumali sa kilusan.


Mabigat sa dibdib ang kuwento ng pelikula lalo nang magkuwento ang mga magulang na iginagapang nilang makapag-aral sa magandang eskuwelahan ang kanilang mga anak, pero ikinatataka nila na unti-unting nagbabago ang mga ugali hanggang sa madalang nang umuwi ng bahay at tuluyan nang nawala.


Ang mga kuwentong ito ay kinumpirma nina General Cirilito Sobejana, Commanding General of Philippine Army; General Gilbert Gapay, Chief of Staff of the Armed Forces of the Philippines; at Hermogenes Esperon, National Security Adviser and Director General of the National Security.


Pagkatapos ng palabas ay nakita naming nagpupunas ng mga mata niya si Robin at inaming, “Naiyak ako!”


Binanggit kay Robin na mabigat sa dibdib ang kuwento ng Memoirs of A Teenage Rebel.


“Nalulungkot ako kapag sinasabi ninyong mabigat sa dibdib kasi ‘yung ginawa namin doon, gusto kong magpaluwag ng dibdib kasi ang tagal natin (naghintay) ng mga pelikulang namulat tayo na (laging) istorya ng rebelde, istorya ng pulis, istorya ng sundalo. Wala pang gumawa ng istorya ng mga nagbalik-loob (gobyerno), wala pa, first time ito.


“Kung nakapasok sana ito sa Metro Manila Film Festival (maraming makakapanood), para sa akin, parang Fahrenheit 11, ito ang dream ko na manalo sa festival, dream ko na manalo ng Best Picture, Best Director, Best Sound, Best Cinematography. Kaya medyo na-depress ako nu’ng (hindi napili), pero okay lang, ganu’n talaga sa mundong ito na lahat ng gusto mo, hindi puwedeng maging sa ‘yo.


“Kaya nagpapasalamat ako na dumating kayo (media) kasi ang pangarap ko lang, makita ito ng mga taga-pelikula (para ipamalita),” paliwanag ni Binoe.


Binanggit ng aktor na lahat ng pelikulang ginawa at ipinrodyus niya ay true-to-life tulad ng Bonifacio, 10,000 Hours at iba pa.


“Doon tayo sa naghahanap ako ng magandang istorya at ito (Memoirs of A Teenage Rebel) ay bago sa paningin at bago sa industriya natin, kasi wala kang mapapanood na ganitong bersiyon ng mga nagbalik-loob,” katwiran ni Robin.


Anyway, maraming natutulungan ang aktor na ‘yung iba ay nababalita at ‘yung iba ay hindi. Kaya natanong siya kung may plano siyang pasukin ang pulitika para lumawak pa ang mga gusto niyang tulungan.


“Kung ako, naging politician, ibig sabihin, kalaban na ako. Ibig sabihin, propaganda na 'yan (ginawang docu film). Hindi ako pulitiko at kailanman, hindi ako magiging pulitiko.


"Mahal ko ang bayan ko. Ang hangad ko lang ay kapayapaan. Ano'ng magagawa ko (bilang politician)? Tayo, pareho tayong nasa showbiz, ano sa tingin mo ang magagawa ko?


“Mananalo ako, sigurado. Nu’ng nakaraang eleksiyon nga lang, number three ako (sa survey), hindi naman ako nagdedeklara. Pero bakit hindi ako tumakbo? Kasi wala naman akong gagawin du’n. Mag-aaksaya lang ako ng pera mo.


“Hindi ako naniniwala sa military government. Sumama ako kay Presidente Digong (Rodrigo Duterte) dahil sa federal government, 'yun ang inaasahan ko.


“Kaya sa ating lahat, sa mga kasamahan natin sa showbiz, tulungan n’yo naman ako, ipagtanggol n’yo ako kapag may nagsasabing tatakbo ako.


“Kahit sa libingan ng tatay ko, sumusumpa ako, hindi ako tatakbo. No way. Hindi ako 'yun. Ang gusto ko lang, magkakasama tayo rito sa showbiz, dito sa palagay ko, may magagawa ako,” paliwanag mabuti ni Robin.


At dahil hindi nakapasok sa 2020 Metro Manila Film Festival ang Memoirs of A Teenage Rebel ay umaasa ang aktor na maipasok nila ito sa online platform at maging word of mouth dahil maganda naman talaga mula sa direksiyon ni May Pagasa at produced ng RCP Productions.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page