top of page

Kapag hindi uli tinupad ng ICI ang promise na live streaming, inuunggoy na nila ang taumbayan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 34 minutes ago
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | December 3, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez


LAKI SA YAMAN SI CONG. BARZAGA, MULA SA POLITICAL DYNASTY KAYA HINDI SIYA ‘AARAY’ SA 2 MONTHS SUSPENSION SA KANYA WITHOUT PAY -- Matapos suportahan ng 249 congressmen ang rekomendasyon ng House Ethics Committee na pinamumunuan ni 4Ps Partylist Rep. JC Abalos na suspendihin ng 60 days without pay si Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga dahil sa umano masamang asal na ipinakikita nito sa publiko, kabilang ang pag-uudyok sa taumbayan at militar na mag-alsa laban sa Marcos administration, ay hindi kinakitaan ng pagkalungkot ang nabanggit na kongresista.


Sa totoo lang, balewala kay Cong. Barzaga ang 2 months suspension without pay sa kanya ng Kamara, na ‘ika nga “hindi siya aaray” na sa 2 buwan ay wala siyang suweldo dahil “barya” lang ito sa kanya dahil laki siya sa yaman, mula siya sa political dynasty sa Cavite, matagal na panahong nanungkulang kongresista at alkalde ang kanyang mga magulang na sina Dasmariñas Mayor Jenny Barzaga at yumao niyang ama na si Cong. Pedi Barzaga, at katunayan nga noong hindi pa siya kongresista ay isa siya sa maituturing na "nepo baby" dahil panay post niya sa social media na mayroon siyang sports car, luxury car, nagpapakita ng sangkatutak na pera at biyahe sa iba’t ibang bansa, period!


XXX


KUNG BALEWALA KAY CONG. BARZAGA ANG 2 MONTHS SUSPENSION SA KAMARA, TIYAK IIYAK SIYA KAPAG NAKULONG SA CITY JAIL SA MGA KASONG INCITING TO SEDITION AT REBELLION -- Kung balewala kay Cong. Barzaga ang 2 months suspension without pay sa kanya ng Kamara, hindi niya dapat ipagwalangbahala ang mga kasong inciting to sedition at inciting to rebellion na isinampa sa kanya ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).


Kapag isinampa na kasi ng Quezon City Prosecutor’s Office ang mga criminal case na ito sa korte, hindi man aminin ni Cong. Barzaga ay tiyak aatungal siya sa iyak kapag inaresto na siya at ikulong sa city jail.


Malabo siyang bigyan ng VIP treatment dahil nga ang panuntunan ni DILG Sec. Jonvic Remulla, lahat ng pulitikong magkakaso at mahuhuli, lahat sa city jail ikukulong, boom!


XXX


DAPAT TUPARIN NA NG ICI ANG PROMISE NILANG LIVE STREAMING, KUNG HINDI NA NAMAN NILA TUTUPARIN, INUUNGGOY NA NILA ANG TAUMBAYAN -- Nangako ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) na ila-live nila ang gagawin nilang imbestigasyon sa flood control projects kina presidential son, Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos, former presidential son, Davao City Rep. Pulong Duterte at iba pang kongresista.


Kaya kung sakali na hindi na naman tutuparin ng ICI ang pangakong live streaming at ikakatuwiran na ang gusto ng mga cong. ay "executive session" o closed door hearing, ibig sabihin niyan inuunggoy na ng komisyon ang taumbayan, period!


XXX


VP SARA HINDI PA RIN SAFE SA IMPEACHMENT -- Kinumpirma ng organisasyong “Bayan Muna” na magsasampa sila ng panibagong impeachment complaints sa Feb. 2026 laban kay Vice Pres. Sara Duterte-Carpio kaugnay sa confidential funds scam, unexplained wealth at iba pa.


Kung ganu’n, hindi pa rin pala safe sa impeachment si VP Sara, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page