top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kapag ang death penalty ay pang-drug trafficker lang...

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 27, 2020
  • 1 min read

Asahang tuloy ang pagpatay, rape at nakawan sa gobyerno!

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | December 27, 2020



MAY BAKUNA NA SA INTERNATIONAL MARKET PERO WALA PA RING ORDER ANG DUERTE GOV’T.—Noon, sa sa tuwing haharap sa publiko si P-Duterte ay palagi nitong sinasabi sa mamamayan na kaunting tiis na lang daw at maghintay dahil may mga bansang gumagawa na raw ng mga bakunang pangontra sa COVID-19.


At umasa naman ang publiko sa sinabing ito ni P-Duterte, pero ang masaklap, nang open na sa international market ang mga bakuna, eh, nabulgar, na hanggang ngayon ay wala pa palang inu-order na COVID-19 vaccines ang pamahalaan, boom!


◘◘◘


PERA NG BAYAN ANG IPAMBIBILI KAYA DAPAT EPEKTIBONG BAKUNA VS. COVID-19 ANG BILHIN—Sa ngayon ay patuloy pa rin ang pakikipag-negosasyon ng Duterte gov’t. sa China para makabili ng bakunang Sinovac.


Pambihira, eh, isinapubliko na ng Deartment of Science and Technology na 50% lang ang efficacy ng bakunang Sinovac na gawang China, tapos ito pa rin ang gustong bilhin ng pamahalaan para ipanturok sa mga Pilipino.


Pera ng bayan ang ipambibili ng bakuna, kaya’t sana ‘yung epektibong bakuna ang bilhin, at hindi ‘yung 50% lang ang efficacy dahil buhay ng mga Pilipino ang nakataya riyan, period!


◘◘◘


DAPAT ISAMA SA DEATH PENALTY ANG MGA KASONG MURDER, RAPE AT PLUNDER—Kung desidido ang Duterte gov’t. na ibalik ang death penalty sa bansa, dapat isama sa mga isasalang sa bitayan ang mga nakagawa ng karumal-dumal na krimen tulad ng murder, rape at plunder.


Kapag drug trafficker lang ang “bibitayin” tulad nang kagustuhan ni P-Duterte, asahan nang hindi matitigil ang pagpatay, panggagahasa at nakawan sa kaban ng bayan, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page