top of page
Alex Eala at Sandro Marcos - FB.jpg

Kanlaon sumabog, Baguio nilindol

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 10
  • 1 min read

ni Mai Ancheta @News | July 10, 2026



Bulkang Kanlaon - Phivolcs

Photo: Phivolcs



Naitala ang moderately explosive eruption sa Bulkang Kanlaon nitong Huwebes, Hulyo 9.


Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nagsimula ang pagsabog alas-7:33 ng umaga at tumagal hanggang alas-7:36 ng umaga.


Nagbuga naman umano ito ng ash plume na umabot sa 2 hanggang 3 kilometro ang taas bago tinangay patungong silangan.


Naitala rin ang pyroclastic density currents (PDCs na bumaba sa timog-silangang bahagi ng bulkan at posibleng umabot sa loob ng isang kilometro mula sa bunganga.


Nananatili namang nasa Alert Level 2 ang Bulkang Kanlaon, ayon pa sa Phivolcs.

Samantala, nakaranas ng lindol ang mga residente ng Baguio City at Benguet na naitala na may magnitude na 4.5 alas-2:33 ng hapon, Huwebes.


Ayon sa Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang sentro ng pagyanig ay naitala sa bayan ng Tuba, Benguet.


Naramdaman din sa lalawigan ng La Union at ilang bahagi ng Pangasinan ang lindol, subalit wala pang nai-report na  pinsala o casualties sa insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page