top of page
LET’S SEE - AGOT, BIANCA, DINGDONG ATBP. ATENISTA, TAMEME SA KAHIHIYAN NG ATENEO SA PAGKAM

Kani-kanyang post ng mga sasakyan… BARBIE, GAYA-GAYA RAW KAY SARAH

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 26
  • 2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | May 26, 2026



BULGARY - BARBIE, GAYA-GAYA RAW KAY SARAH-IG _sarahlahbati & _msbarbieimperial

Photo: IG _sarahlahbati & _msbarbieimperial



Hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap ng ilang mga netizens, lalo na ng mga followers ni Sarah Lahbati, ang pagkukumpara sa kanya kay Barbie Imperial na bagong karelasyon ngayon ni Richard Gutierrez.


Na-hard launch na ang relasyon nina Richard at Barbie kaya wala na umanong magagawa ang mga bashers kundi punahin ang galaw ng aktres at sabihing ginagaya nito ang estranged wife ng aktor.


Nag-ugat ito sa magkasunod na pagpo-post nila tungkol sa kani-kanilang sasakyan. 

Caption ni Sarah, “Mazda girl summer. The CX-90 has made every drive with my kids feel a little calmer, softer and more.”


Samantala, sa post naman ni Barbie tungkol sa kanyang sasakyan, nilagyan niya ito ng caption na: “Big toy for a small girl.”

Sey ng mga netizens…


“Someone on the other side posted her car as well.”

“You can’t buy class.”

“Gaya-gaya.”

“Idol ka nito, ginagaya kasi mga post mo.”


Nilinaw naman ni Barbie ang isyu at sinabing paid partnership ang naturang post.

“I was paid to post this for Ridemix. I had my LC250 last year pa. This was shot last month pa and I was told to post this picture this week. Sponsorship lang, ‘wag gawing isyu,” paliwanag ng aktres.


May ilang netizens din ang nagtanggol kay Barbie at sinabing masyado nang pinakikialaman ng iba ang buhay ng mga artista.


Ayon naman sa iba, normal lamang na maikumpara si Barbie kay Sarah dahil dating mag-asawa sina Richard at Sarah.


Sa kabuuan, wala namang malinaw na ebidensiya na ginagaya ni Barbie si Sarah. Karamihan dito ay interpretasyon lamang ng mga netizens. Karaniwan na rin sa showbiz ang pagkukumpara sa current at dating partner ng isang celebrity, lalo na kapag may pagkakahawig sa fashion, posts, o public image.





LUMIPAS na ang mga petsang lumutang bilang umano’y schedule ng kasal nina Bea Alonzo at Vincent Co ngayong Mayo, ngunit wala namang naganap na kasalan.


Naging usap-usapan pa na si Regine Velasquez ang kakanta sana sa kasal ng dalawa.


Sa isang panayam, natanong si Ogie Alcasid tungkol dito. 

Ayon sa singer-songwriter, inimbitahan umano ang misis niya upang kumanta sa kasal.


Sa gitna ng usap-usapan tungkol sa diumano’y wedding sa Spain, lumutang din ang espekulasyon na posibleng may kinalaman umano sa prenup agreement ang hindi pagkakatuloy ng kasal. 


Kumalat pa sa social media ang iba’t ibang bersiyon ng dahilan kung bakit walang kasalan na naganap nu’ng May 14 o May 16.


Ayon kay Ogie, nasa Canada siya sa umano’y schedule ng kasal kaya hindi rin siya makakapunta sa Spain sakaling natuloy ito.


Nang tanungin kung nakatakdang lumipad si Regine patungong Spain para kumanta sa kasal, sabi ni Ogie, “Ang alam ko, yes. Pero ‘di ko alam kung natuloy.’

Tinanong din si Ogie kung Mayo 14 o Mayo 16 nga ba ang target date ng kasal.

“Sa tingin ko, ‘di nag-workout ‘yung mga sched,” saad ng singer-songwriter.

Sa kabila nito, pinili ng aktres na manahimik tungkol sa isyu.


Samantala, ayon sa ilang entertainment sources, hindi natuloy ang umano’y kasal sa Spain. Umaasa rin umano ang ilang malalapit sa kampo ni Vincent Co na magsasalita ang businessman tungkol sa mga bali-balitang nakapalibot sa kanilang relasyon ni Bea Alonzo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page