top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kani-kanya sa 8th anniv sa Oct. 24… ENRIQUE, NILAYASAN ULI NI LIZA

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 12, 2022
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | October 12, 2022



Bumisita sandali sa bansa si Liza Soberano, dinalaw ang pamilya at mga kaibigan at namasyal sa Boracay. Kasama sa mga binisita nito ang boyfriend na si Enrique Gil at nagkaroon ng bonding time ang dalawa bago lumipad pa-Amerika si Liza.


Sa mga nakita naming litrato, nag-glamping sina Liza at Enrique sa BLOC Camp Site, Cavinti, Laguna at para mas masaya, isinama nila ang kani-kanyang pamilya.


May picture na nag-bonfire ang grupo at ibang activities na kahit matagal bago makabalik ng bansa si Liza, hindi makakalimutan ni Enrique.


Ang LizQuen fans ang nalulungkot sa pag-alis ni Liza dahil hindi raw magkakasama ang favorite couple nila sa kanilang eight anniversary sa October 24. First time raw mangyayari na hiwalay sina Liza at Enrique sa anniversary nila at iniisip na lang ng mga fans, magkasama na sila sa mga susunod nilang anibersaryo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page