top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Kandidatura ni Gordon, lagot sa pandededma ng Red Cross sa swab test ng mga OFWs

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 28, 2020
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | October 28, 2020



KANDIDATURA NI GORDON, BAKA IBASURA NG MGA OFWs—Para kay Surigao del Norte Rep. Ace Barbers, pamba-blackmail ang ginagawa ng Philippine Red Cross (PRC) nang itigil ang pag-swab test sa mga stranded na OFWs, na itutuloy lang daw ang pag-swab test kung mababayaran na ng PhilHealth ang utang nito sa Red Cross.


May dahilan si Barbers na magalit kasi libu-libong stranded na OFWs ang hindi makauwi sa kanilang probinsiya dahil wala silang maipakitang COVID-19 swab test result.


Sa kawalang-puso ng Red Cross, asahan na ang resbak ng mga OFWs ay pagbasura sa kandidatura ni Sen. Richard Gordon sa 2022 elections, period!


◘◘◘


BAD TRIP SI P-DUTERTE SA PABIDA NI GEN. PARLADE—Hindi nagustuhan ni P-Duterte ang pabida ni Gen. Antonio Parlade, commander ng SolCom (Southern Luzon Command), spokesman ng NTC-ELCAC (National Task Force-End Local Communists Armed Conflict) kaya’t inutusan ng pangulo ang AFP (Armed Forces of the Philippines) na tigilan na ang pagre-red-tagged sa mga aktibista, artista at pulitiko kung wala namang ebidensiya.


Dahil tila bad trip si P-Duterte sa pabibo ni Gen. Parlade, malabo nang mangyari ang inaasam niyang siya ang magiging next AFP chief, saklap!


◘◘◘


KAPAG NABUWISIT SINA YORME AT JONVIC, BAKA MA-PERSONA-NON-GRATA SA MAYNILA AT CAVITE SI PARLADE—Tutularan ni Cavite Gov. Jonvic Remulla ang ginawa ni Manila Mayor Isko Moreno na pagpapatanggal ng mga na may nakasaad na persona-non-grata ang mga komunista.


Ayon sa gobernador, mapayapa ang kanilang probinsiya at ang ikinakabit na tarpaulin ay nagdudulot lang ng takot sa mamamayan sa akalang nagkalat na sa bansa ang mga terorista.


Dapat tantanan ni Parlade ang pagiging mapapel kasi kung ‘yan ang palagi niyang paiiralin, baka siya ang ipa-persona-non-grata nina Yorme Isko sa Maynila at Gov. Jonvic sa Cavite, period!


◘◘◘


PARA NAMANG KAMAKALAWA LANG NALAMAN NI P-DUTERTE NA TALAMAK NA ANG KORUPSIYON SA KANYANG GOBYERNO—Inatasan ni P-Duterte ang DOJ na imbestigahan ang mga anomalya sa lahat ng ahensiya ng gobyerno.


Tutulug-tulog yata sa pansitan ang pangulo kasi parang kamakalawa lang niya nalaman na kaliwa’t kanan ang korupsiyon sa kanyang gobyerno kaya’t kahapon lang niya inutusan ang DOJ na imbestigahan ang katiwalian sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page