Kandidatong malaki gumastos sa halalan, malamang magnanakaw ‘yan!
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | November 19, 2021
TRAPO NA MALAKI KUNG GUMASTOS SA HALALAN, MALAKI RIN ANG NANAKAWIN SA KABAN NG BAYAN—Isa sa masasamang gawain ng mga trapo ay mamili ng boto para matiyak ang kanilang pagkapanalo.
Dapat tandaan ng mga botante, na ang mga pulitikong namimili ng boto ay walang gagawing maganda, at ang sinumang trapo na malaki kung gumastos sa halalan, tiyak na malaki rin ang nanakawin sa kaban ng bayan, boom!
◘◘◘
DAHIL SA MGA BAYARANG BLOGGERS, TIKTOKERIST AT YOUTUBERS, NAGING GOOD ANG TINGIN NG MGA ENGOT NA NETIZENS SA MGA KORUP—Shocking ang comment sa social media ng ilang netizens na kahit umano kurakot ang pulitiko, basta may nagagawa itong maganda ay iboboto pa rin nila.
Ang hirap intindihin ng katwiran nila dahil kailan pa naging good ang kurakot?
Kaya ganyan ang pangangatwiran ng ilang engot na netizens kasi naiimpluwensiyahan na ang utak nila sa kababasa at kapapanood sa post ng mga bloggers, TikTokerist at YouTubers na binabayaran ng mga trapo, buwisit!
◘◘◘
MAYORYA NG BOTANTENG PINOY, MANGMANG SA PAGBOTO—Ang halalan sa Pilipinas ay labanan ng mabubuti at masasama.
Ang mabubuti ay ‘yung mga pulitikong walang bahid ng korupsiyon habang ang masasamang pulitiko ay ‘yung mga trapo na may bahid ng korupsiyon ang pagkatao, kaya lang after election, karamihan sa mga nananalo ay ang bad na politicians.
Patunay ‘yan na karamihan sa mga botanteng Pinoy ay mangmang pa rin kasi mas gusto nilang iluklok ang mga korup kaysa sa matitinong pulitiko, tsk-tsk-tsk!
◘◘◘
DAPAT MANAIG ANG MABUBUTING PULITIKO KAYSA SA MASASAMA—Sana, sa halalang 2022 ay manaig ang mabubuting kandidato na talagang magseserbisyo sa bayan at mamamayan.
Kapag ang nagwagi ay masasamang pulitiko, kawawa ang mamamayan dahil kaliwa’t kanang pangungurakot ang gagawin ng mga trapo sa kaban ng bayan, period!





Comments