top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Kandidatong lalabag sa protocols, dapat lang managot

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 14, 2021
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | December 14, 2021



Wala pa mang opisyal na kampanya, kapansin-pansing aktibo na ang mga kandidato sa paglilibot sa bansa.


Halos araw-araw, may nagaganap na motorcade o caravan sa iba’t ibang lugar, kaya naman, maraming tagasuporta rin ang nag-aabang upang maiparamdam ang kanilang suporta sa napupusuang kandidato.


Kaugnay nito, inanunsiyo ni Interior Secretary Eduardo Año na maglalabas siya ng guidelines para sa mga lokal na pamahalaan kaugnay sa pangangampanya ng mga kandidato sa susunod na taon dahil ang mga caravans at motorcade na isinasagawa ng mga kandidato ay nagdudulot ng trapik at paglabag sa minimum public health protocols.


Nilinaw din ng kalihim na napagkasunduan na isang linya lamang sa mga pangunahing lansangan ang gagamitin ng motorcades o caravans, magtatalaga ng assembly area, walang programa at patuloy lamang ang daloy ng mga kalahok.


Habang hinggil naman sa mga paglabag sa health protocols, sinabi ng kalihim na dapat kumilos ang LGU dahil kung hindi, sila ang papanagutin.


Samantala, nagbabala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga lalabag sa umiiral na guidelines sa pagsasagawa ng rally o motorcade sa mga lugar na sakop ng Metro Manila na kanilang titiketan ng ‘jaywalking’ o ‘obstruction’ ang mga kasama sa caravan rally.


Tila hindi na nga mapigilan ang mga kandidato at tagasuporta dahil maraming lugar na ang narating ng kanilang motorcade.


‘Yun nga lang, hindi maiwasan ang pagdagsa ng mga supporter kaya nauuwi sa siksikan.


Bagay na ikinababahala ng mga awtoridad dahil pa rin sa banta ng COVID-19 at kahit patuloy na pagbaba ng naitatalang arawang kaso ng sakit.


Kaya naman, pakiusap sa mga awtoridad, ‘pag may lumabag, panagutin ang mga dapat managot — kandidato man, organizer o tagasuporta. Paraan ito upang hindi na maulit at hindi tularan.


Ngayon n’yo patunayan na may ngipin ang batas at wala tayong pinipili.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page