Kamukha raw niya… MAYOR ISKO, KINUMPIRMANG LOLO NA SA ANAK NA LALAKI NI JOAQUIN
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | July 27, 2022

Kinumpirma ni former Manila Mayor Isko Moreno na isa na siyang proud lolo sa kanyang apo sa panganay na anak na si Joaquin Domagoso.
Sa panayam sa kanya ng Modern Parenting, finally ay inamin na rin ni Isko na isa na ngang ama si JD (nickname ni Joaquin) tulad ng napapabalita.
“Isa sa mga blessings ay lolo na ako. Ang pogi ng apo ko,” he said.
Lalaki ang kanyang unang apo na pinangalanang Scott.
Ayon pa sa dating That’s Entertainment member, talagang ine-enjoy niya ang kanyang pagiging lolo.
“Siyempre, kikiligin ka lalo na kapag kamukha mo. I’m really enjoying it. I’m happy and grateful to God. Of course, I’m happy for Joaquin. Having a child, naturally, will create a certain mindset in terms of priorities,” aniya.
Nang matanong kung ano ang gusto niyang itawag sa kanya ng unang apo, aniya ay okay lang naman daw sa kanya na tawagin siyang lolo.
“It’s cool to be called Lolo. Okay ako doon,” aniya.
Sa ngayon ay masayang-masaya nga raw si Isko sa bagong chapter ng buhay niya ngayong isa na siyang lolo. He’s enjoying his time with his family at sa kanyang first apo lalo pa nga’t mas marami na siyang oras ngayong wala na siya sa politics.
“It’s a God-given life. It’s a blessing. Growing up is a challenge and making a better life for everyone, your family, or even your apo is hard. But from another perspective, it’s a blessing.
Being a grandfather is an opportunity to be happier in the next decade or two in this world,” pahayag pa ni Isko.





Comments