Kamukha ni Anne… SAM, MAY ANGKAS NA GIRL SA MOTOR, IPINALIT DAW KAY CATRIONA

ni Julie Bonifacio @Winner | May 22, 2024

Usap-usapan ang piktyur ni Sam Milby habang nakasakay sa motorsiklo na may kasamang babae.
Iniintriga si Sam ng mga netizens na ang babaeng kasama niya na nakaangkas sa aktor ang ipinalit niya kay former Miss Universe Catriona Gray.
Muling nabuhay ang isyu at ang iba’y kinukumpirma pang tuluyan nang naghiwalay sina Sam at Catriona. For so many weeks ay naibalita na ang breakup ng dalawa.
Until recently ay nakitang magkasama sila at “sweet-sweet-an” sa isang showbiz event.
At nitong nakaraang linggo ay muling uminit ang isyu ng hiwalayan nina Sam at Catriona. Ipinagdidiinan pa ng ilang showbiz kibitzers na wala na raw talaga ang dalawa.
Kahapon sa X (dating Twitter) ay pinagpiyestahan ng mga netizens ang piktyur ni Sam na may kasamang ibang babae.
Sey ng mga netizens…
“(note emoji) Sasakyan kita sa lahat ng gusto mo. Basta sasakyan kita, kung sasakyan mo rin ako (note and eye emoji).”
“Downgrade naman ‘yung ipinalit n’ya kay pusa.”
“Hmm… Parang she's not the type of girl Sam would usually go for naman, haha. I mean Aussie ba ‘yan? (crying while laughing emoji) Looking at his exes - Anne, Mari, Cat - lahat ‘yan, mestiza, smart, English speaker and Aussie, hahaha! But what do I know?”
“In fairness, hawig ni Dyosa Anne (surprised emoji).”
Pero sey naman ng ibang mga netizens, ‘di raw bagong girlfriend ni Sam ‘yung babae. In fact, ipinost pa ng isang netizen ang identity nu’ng girl.
Ang nakalagay na pangalan ng Facebook account nu’ng girl ay Jet Lee. Siya ang LTO Region 7 at Philippine Motorcycle Tourism ambassadress.
Ahhh, ‘yun naman pala.
Although, malay din naman natin, baka may ma-develop kina Sam at Jet.
Wait na lang natin ang statement ni Sam.





Comments