Kampo, choosy sa makakasama... ENRIQUE, SUMIKAT LANG DAHIL KAY LIZA
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 29, 2023

Hindi pa man nagsisimulang mag-shooting ang pelikulang gagawin ni Enrique Gil sa GMA Films ay umaariba na ang mga bashers na halata namang mga fans din ng aktor.
Banat ng mga bashers, bakit daw isasama sa movie ni Enrique ang mga Kapuso stars na sina Kylie Padilla, Ruru Madrid at Derrick Monasterio gayung ang babano nilang umarte?!
Excuse me lang po. Aba, gaano ba kalaking artista si Enrique sa tingin ng kanyang mga fans upang masabi nila ang mga salitang 'yun?!
Nagkaroon na ba ito ng mga acting awards? 'Di ba at dumepende lang naman si Enrique sa love team nila ni Liza Soberano?
Pasalamat na lang si Enrique at kinuha pa siya ng GMA Films kahit na buwag na ang LizQuen tandem nila ni Liza.
Ang kailangan ngayong gawin ni Enrique ay patunayan ang kanyang sarili. Dapat ay ipakita nito na kaya niyang tumayo sa sariling mga paa. At hindi lang naman ang pagkakaroon ng guwapong mukha ang basehan sa showbiz, sapagkat marami na ring mga naglalabasan na guwapong young actors at magagaling pa ang mga ito.
Dapat ay marunong ding makisama si Enrique sa lahat, kung gusto niyang magtagal ang kanyang showbiz career bilang solo artist.





Comments