top of page

Kamay, ayaw bitawan sa handshake nila… TOM CRUISE, ILANG BESES NAPA-WOW SA MGA SINABI SA KANYA NI ALDEN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 10
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | May 10, 2025



Photo: Tom Cruise sa premiere ng Mission Impossible at Alden Richards - IG


Hindi lang kay Tom Cruise may interaction si Alden Richards at hindi lang sa bida sa Mission: Impossible—The Final Reckoning (MITFR) nagpakuha ng picture ang Kapuso actor, gaya ng sinasabi ng mga netizens. 


Sa X account ng Paramount Pictures, may photo si Alden kasama ang ibang cast ng MITFR na sina Hayley Atwell, Simon Pegg at Greg Tarzan. Sigurado namang excited din ang aktor to meet the other cast of the film, lalo na’t napanood na niya sa premiere.


Anyway, nakakatuwa ang reaksiyon ng mga netizens sa meeting ni Alden with Tom Cruise. Curious sila kung ano ang sinabi ni Alden kay Cruise at medyo matagal ang kanilang pag-uusap. Sayang daw at nakatagilid si Alden, hindi ma-lip read ang kanyang sinabi. Si Tom Cruise, na-lip read na ilang beses napa-“Wow!” habang nagsasalita si Alden.


The longest handshake rin daw ang ginawang pakikipagkamay ni Alden kay Tom Cruise at halos hindi raw nito binitawan ang kamay ng American superstar. 


Mabait daw ang foreign actor dahil hindi lang nakipag-usap at nakipagkamay kay Alden, nag-hug din ang dalawa bago naghiwalay.


Samantala, habang nasa Seoul, South Korea, bumisita si Alden sa isang bicycle shop and for sure, bumili ito ng stuff for his Colnago bike na ginagamit sa cycling training para sa 2025 Tokyo Marathon.


Hindi pa man nakakabalik ng bansa, nag-post na si Alden para sa charity event happening tomorrow. Para sa Mowelfund members ang Lights, Camera, Run! na sasalihan ng mga celebrities and to be hosted by Martin Javier.


Bagong Vilma at Nora…

SIGAW NG FANS: KATHRYN AT NADINE PARA SA REMAKE NG T-BIRD AT AKO


HINDI lang pala sa May issue ng Cosmopolitan cover sina Nadine Lustre at Kathryn Bernardo dahil cover din sila ng Preview kasama ang iba pang girls. 

Para raw sa ie-endorse na conditioner ng dalawang aktres ang pagpi-feature sa kanila sa nasabing magasin.


Hindi alam kung ang photoshoot for Preview ang tinawag na “Project Queens” dahil tama namang pareho silang queens. Ang caption ng Star Magic na siyang nag-post ng behind-the-scenes photos ay “#ProjectQueens is ready to slay.”


Dahil sa pagsasamang ito ng dalawang aktres, lalong umingay ang panawagan ng mga fans na pagsamahin sina Kathryn at Nadine sa TV series o mas maganda kung sa pelikula. Puwede raw i-collab ng Viva Films at Star Cinema ang pagsasamahang pelikula ng dalawa.


May mga suggestions pa nga ang fans kung gagawa ang dalawa ng movie, maganda raw i-remake ang T-Bird at Ako (TAA) nina Vilma Santos at Nora Aunor. 

Bagay daw kina Kathryn at Nadine ang movie, kaya sana raw, pakinggan ng Viva Films at Star Cinema ang kanilang panawagan.


Samantala, natuwa ang mga fans sa nakita nilang photo nina Nadine at Kathryn na sinagot ng larawan na sina James Reid at Daniel Padilla naman ang magkasama. Ang mas nakakaloka pa raw ay kung matutuloy ang series na pagsasamahan nina Kathryn at James, ang ex-couple raw ang makakatrabaho niya.



BUONG puwersa ang Kapuso Network sa Eleksyon 2025 sa pamamagitan ng Eleksyon 2025: The GMA Integrated News Coverage. Asahan ang pinakamalaki, pinakakomprehensibo at pinakapinagkakatiwalaang pag-uulat ng halalan mula sa Kapuso Network.


Simula pa lang ng alas-4 ng umaga sa Lunes (May 12), mapapanood na sa GMA at GTV ang election coverage ng network. 


Pangungunahan nina GMA Integrated News pillar Mel Tiangco, Vicky Morales, Arnold Clavio at Howie Severino ang paghahatid ng mga balita at update. Kasama nila sina Emil Sumangil, Pia Arcangel, Ivan Mayrina, Atom Araullo, Kara David, Susan Enriquez, Connie Sison, Raffy Tima, Mariz Umali, Sandra Aguinaldo, at Maki Pulido, at ang buong hanay ng mga GMA Integrated News reporter.


Sa radio, mapapakinggan ang coverage ng eleksiyon sa Super Radyo DZBB Special Coverage simula ng hapon ng Linggo, May 11, hanggang alas-sais ng hapon sa Martes, May 13.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page