top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Kamara may out break ng COVID-19 cases, doble-ingat!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 1, 2020
2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | December 1, 2020



Nababahala ang Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) sa ulat na may “outbreak” ng kaso ng COVID mismo sa House of Representatives.


Nais matiyak ng QC-CESU kung bakit umabot sa 40 kaso ng COVID sa Kamara kung saan may ilang ulat na papalo sa 100 na ang tinamaan dito pero inililihim lang!


◘◘◘


Ayon mismo kay QC-CESU Director Dr. Rolly Cruz nasa 40 ang confirmed cases na kanilang naitala sa Mababang Kapulungan subalit kanilang bineberipika ang report na nasa 96 ang kabuuang bilang ng positive cases sa Kamara sa nakalipas na 10 araw.


Kung ganito umano ang bilang ng kaso ang hindi naire-report sa kanila ay nangangamba sila na hindi agad ito nagagawan ng contact tracing!


◘◘◘


Ipinaliwanag ni Cruz na kahit pa man asymptomatic ang pasyente basta nakumpirma itong positive sa test pero dapat ipagbigay-alam agad sa kinauukulan.


“Dapat kasi everytime na may new case dapat nire-report agad sa LGU para sa contact tracing”, himutok ni Cruz!


◘◘◘


Nang hingan ng reaksiyon sa lapses ng Kamara, sinabi ni House Secretary-General Dong Mendoza na nakipag-ugnayan na sila sa QC-CESU.


Pero tumanggi rin itong kumpirmahin na tumaas ang kaso ng COVID cases sa Mababang Kapulungan bagama’t nagsasagawa na umano ngayon ng mass testing!


◘◘◘


“We already spoke with the QC govt with regards to this matter we will release the results to DOH and CESU once the lab results are available already”, wika ni Mendoza.


Hindi naman tinukoy ni Mendoza kung Rapid Test o Swab test ang kanilang gagawin!


◘◘◘


Nabatid na ang tinamaan ng COVID ay pawang naninirahan lamang sa mga kalapit na barangay sa Batasan Complex.


Sinabi ni Cruz na pagbabatayan nila ang COVID cases report na isusumite ng Kamara sa kanilang gagawing imbestigasyon!


◘◘◘


Tungkol naman sa posibleng paglabag ng Kamara, sinabi ng QC-CESU na ang kanilang gagawing imbestigasyon ay isusumite nila sa Department of Health (DoH).


‘Yan ang ating aabangan!


◘◘◘


Kinastigo ni dating Ang Nars Partylist Rep. Leah Paquiz sina House Speaker Lord Allan Velasco, Deputy Speaker at 1Pacman Partylist Rep Mikee Romero at House Secretary-General Dong Mendoza na lumabag sa quarantine protocol nang patuloy pa rin itong pumapasok sa Kamara sa kabila ng kanilang exposure sa COVID positive na si TESDA Chair Isidro Lapeña.


Ikinatwiran ni Romero na nagnegatibo sila sa test matapos na ma-expose kay Lapeña ngunit hindi naman ito sumailalim sa 14 day quarantine!


◘◘◘


Nilinaw ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kailangan ang quarantine sa mga may direct exposure sa COVID patient kahit pa man nagnegatibo sa test dahil ang virus ay maaaring mag-develop sa pagitan ng dalawa hanggang 14 araw pagkatapos ng exposure.


“Dapat sumunod sa protocol. Respect the authority, paaano susunod mamamayan kung hindi sumusunod mga leaders , dapat maging role model sila”, pagdidiin ni Paquiz!


◘◘◘


Mismong empleyado ng Kamara ang nagsabing hindi sagot ang gagawing COVID testing para maresolba ang tumataas na kaso ng COVID sa tanggapan.


Dapat umanong sumunod sa quarantine protocol mismo ang mga lider na may exposure sa virus!


◘◘◘


“May exposure sila sa COVID positive pero dumadalo sila sa ibat ibang mga hearing, importante ang hearing pero mas importante ang aming kalusugan sa lahat”, ngingit pa ng empleyado.


Umaapela ang mga kawani ng full transparency sa mga COVID cases sa Kamara at sinu-sino ang mga may exposure sa COVID positive patients para na rin sa proteksiyon ng lahat!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page