Search
  • BULGAR

Kalokohan ang survey ng Pulse Asia na sina Roque at Duque ang most approved cabinet members

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | January 17, 2021



LOKOHANG SURVEY!—Sa inilabas na survey ng Pulse Asia, sina Presidential spokesman Harry Roque at Health Sec. Francisco Duque ang “most approved Cabinet members” ni P-Duterte.


Ganu’n, sina Roque at Duque na madalas i-bash ng netizens dahil sa kanilang mga kapalpakan, sila pa ang “most approved Cabinet members” ng Pulse Asia?


Patunay ‘yan na ang inilalabas na survey ng Pulse Asia tungkol sa mga presidentiables, sa pagka-VP at senatoriables ay lokohan lang, period!


◘◘◘


IBANG PRESIDENTIABLES, INISMOL NI ROQUE—Inismol ni Roque ang ibang presidentiables.


Ibinida kasi niyang tanging si presidential daughter, Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio lang daw ang pinakakuwalipikadong kumandidatong Pangulo at magpatakbo ng bansa, boom!


◘◘◘


MALI ANG PANINIWALA NI P-DUTERTE NA PANG-LALAKI LANG ANG PAGIGING PANGULO—Para kay P-Duterte, ang pagiging Pangulo ay panglalaki lang at hindi pambabae kasi mahina raw ang kababaihan.


Mali ang paniniwalang ‘yan ni P-Duterte, kasi sa panahon ngayon, kung ano ang kayang gawin ng lalaki ay kaya na rin gawin ng babae at patunay ‘yan na ilang kababaihan ang naging pangulo at prime minister ng iba’t ibang bansa, period!


◘◘◘


DAPAT IMBESTIGAHAN NG COA KUNG SAAN GINASTOS ANG P19-B INTEL FUND NG DUTERTE GOV’T.—Ibinulgar ng COA (Commission on Audit) na noong 2019 daw ay higit P19 billion na intelligence fund ang naubos ng Duterte gov’t., at ang problema sa isyung ito ay hindi malaman ng COA kung saan napunta ang napakalaking halagang ito kasi wala raw ibinibigay na data ang Office of the President (OP) kung saan ginastos ang perang ito ng bayan.


Sana, imbestigahan ito ng Senado at Kongreso kasi pera ‘yan ng bayan, hindi naman pera ‘yan ni P-Duterte at ng kanyang mga alipores, boom!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.