top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Kalma sa kampanya, may pandemya pa

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 4, 2021
1 min read

ni Ryan Sison - @Boses | December 04, 2021



Bawal pa rin ang political rallies.


Ito ang paalala ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año dahil sa banta ng Omicron variant ng COVID-19.


Apela pa ng opisyal sa mga kandidato, political parties at kanilang mga tagasuporta sa buong bansa, ‘wag munang magdaos ng political rallies na makahahatak ng maraming bilang ng tao dahil posible itong maging super-spreader event, lalo na kung makokompromiso ang minimum public health standards.


Sa ngayon, nilinaw ni Año na tanging caravans at motorcades ang pinapayagan dahil nasusunod ang physical distancing, habang magsisimula naman ang official campaign period sa Pebrero 8, 2022 para sa national posts at Marso 25, 2022 naman sa local elective positions.


Ilang buwan pa man bago ang kampanya, kapansin-pansing aktibo na ang mga nagnanais na maupo sa puwesto.


Bagama’t nauunawaan nating nais iparamdam ng ilang botante ang kanilang suporta sa napupusuang kandidato, teka lang, hinay-hinay muna tayo sa paglabas.


Pakiusap lang din sa mga kandidato, tiyaking walang malalabag na minimum health protocols tuwing lalabas o may aktibidad.


Malinaw na sinabi ng opisyal na tanging motorcades at caravans pa lamang ang pinapayagan, kaya utang na loob, sumunod tayo.


Saka na humataw ‘pag panahon na talaga ng kampanya. Ngunit ngayon, ingat-ingat muna, lalo pa’t may binabantayan tayong bagong variant ng COVID-19.


Kasabay nito ang panawagan sa mga tagasuporta at kandidato na maging responsable para sa kaligtasan ng lahat.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page