Kaliwa’t kanang testimonya ng mga naulila na minarkahan ng “COVID”, imbestigahan!
- BULGAR
- Jun 3, 2021
- 2 min read
ni Ka Ambo - @Bistado | June 03, 2021
Pumatak na ang ulan.
Salamat sa langit!
◘◘◘
PAPALITAN ang init ng lamig.
Balik-COVID na naman!
◘◘◘
BAKIT hindi pinaiimbestigahan ng Malacañang ang kaliwa’t kanang testimonya ng mga naulila na minarkahan lamang ng “COVID” ang namatay nilang kaanak upang malibre sa ospital?
Napakaraming ganyang ulat, pero walang pagsisiyasat na ginagawa ang DOH at IATF!
◘◘◘
INILILIBRE umano sa hospital bill ang mga naulila sa kondisyon ang namatay na kaanak ay ibibilang bilang “COVID patient” kahit hindi naman.
Marami ang nakumbinse ng mga ospital at doktor dahil sa sobrang gipit ng mga naulila!
◘◘◘
WALANG kapatawaran ang ganitong klase ng modus-operandi ng mga ospital dahil pagsasamantala ito sa panahon ng krisis.
Nagpapatunay din ito na “hindi totoo ang datos” na ibinibigay ng mga ospital sa DOH!
◘◘◘
MALINAW na ang bilang ng mga namatay sa “COVID” ay hindi totoo.
Dumarami ang bilang ng namamatay sa COVID dahil sa garapalang “korupsiyon” at krimen sa pamemeke ng official document tulad ng death certificate.
Dapat managot ang mga signatories sa death certificate!
◘◘◘
MARAMI ang nagbubunyag na tinatangka ng mga hospital personnel na kumbinsehin ang mga naulila na ibilang na ang “COVID patient” ang namatay nilang kaanak.
Pero marami rin sa mga ito ay tumanggi kaya’t may pagkakataon ang NBI na kunin ang testimonya ng mga ito at gamiting ebidensiya!
◘◘◘
PUWEDE ring gamiting ebidensiya ang mga bangkay na ibinalot na parang suman bago sinunog at kapag napatunayan hindi COVID ang ikinamatay ng pasyente ay dapat ikulong ng habambuhay ang mga signatories sa death certificate.
Kabilang sa ganitong kaso ay ang mga pasyenteng minarkahan ng “COVID” pero negatibo ang buong pamilya na nag-alaga rito at isinailalim sa 14-day quarantine!
◘◘◘
ISANG malaking perhuwisyo ang ginagawa ng mga ospital na nagmamarka ng COVID sa pasyente kahit namatay sa ordinaryong sakit dahil natigil sa pagtatrabaho at napandidirihan ang miyembro ng pamilya—gayung negatibo silang lahat.
Kahit ang media ay bigo na imbestigahan ang kaliwa’t kanang kasong ito na nagpaparami ng bilang ng COVID victims kahit walang katotohanan!
◘◘◘
KORUPSIYON ang ugat ng karumal-dumal na modus ng ilang ospital dahil sa palpak na pekeng datos—naibubunsod ang mga decision makers na mag-lockdown kahit hindi dapat.
Dahil sa insentibo at pondo na inilalaan ng gobyerno sa mga COVID patient na kinokolekta naman ng mga ospital—dumarami nang todo ang bilang ng COVID victim.
Malinaw na may conspiracy sa datos kapalit ng “kobransa” mula sa pondo ng gobyerno na inilalaan sa mga COVID patient.
Dapat itong imbestigahan!





Comments