Kalat nang hiwalay na kay Sarah… TONTON, NAGSALITA NA TUNGKOL KAY RICHARD
ni Julie Bonifacio @Winner | November 22, 2023

Um-attend si Tonton Gutierrez sa binyag ng anak ng kanyang half-brother na si Rocky Gutierrez last Sunday.
Si Rocky ay isa sa mga anak nina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez. Kapatid ni Rocky ang kambal na sina Raymond at Richard Gutierrez.
Kasama ni Tonton sa binyagan ang kanyang misis na si Glydel Mercado.
Dumating din daw sa binyagan si Richard na nabalitang hiwalay na sa misis niyang si Sarah Lahbati.
Tinanong namin si Tonton kung kumusta si Richard.
Sagot nito, “He looks okay naman.”
Other than that, ayaw nang magbigay ng statement ni Tonton regarding Richard.
Nakausap namin si Tonton nu’ng mag-guest sila ni Glydel sa YouTube show nina Kuya Jobert Sucaldito at Direk Chaps Manansala last Sunday.
Magkasama sa malapit nang ipalabas na family drama titled Unspoken Letters ang mag-asawa. And this time, kakaiba ang kanilang respective roles sa movie.
Nanay ni Tonton si Glydel sa Unspoken Letters at kung paano nangyari ‘yun, eh, dapat panoorin ang movie mula sa Utmost Creatives na ipapalabas na sa December 13.
Tampok sa pelikula ang award-winning teen actress na si Jhassy Busran at sina MJ Manuel and Christine Samson with veteran actors na sina Gladys Reyes, Simon Ibarra, Matet de Leon, Deborah Sun, Daria Ramirez at iba pa.
“Working with Jhassy? I find her very good and she’s willing to learn. Meron kasing mga batang artista na alam mo na acting nila, aral lang. Si Jhassy, gusto niya. So, mahusay siya,” pahayag ni Tonton.
Hindi lang kay Gladys nakatikim ng “pananakit” si Jhassy sa movie kundi pati kay Tonton.
Kuwento ni Tonton, “Maganda ‘yung eksena na sinampal ko siya. Umiyak siya. Parang naramdaman ko ‘yung takot niya. Kasi galit ako sa kanya sa movie, eh. Nakita ko ‘yung takot niya nu’ng nag-away kami ni Simon sa eksena.”
Sa November 30 ay may red carpet premiere night ang Unspoken Letters sa Cinema 7 ng TriNoma Mall, kaya sa mga gustong makita ang buong cast ng Unspoken Letters directed by Gat Alaman, Paolo Bertola at Andy Andico, punta na kayo.





Comments