P170K, inihirit ni Sen. Alan… DIWATA, ‘DI MAGBABAYAD NG UTANG NG ‘PINAS!

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | November 28, 2026

Photo FIle / Diwata
Usap-usapan ngayon ang pahayag ng social media personality na si Diwata (may-ari ng Pares house) tungkol sa panukala ni Sen. Alan Peter Cayetano na boluntaryong pag-aambag ng bawat mamamayan ng P170K para makatulong sa pagbabayad ng pambansang utang ng Pilipinas.
Ayon kay Diwata, hindi niya nakikitang responsibilidad niyang bayaran ang utang ng bansa dahil hindi naman niya alam kung saan nanggaling ang inutang at kung saan ito ginamit.
Aniya, “Wala akong utang sa Pilipinas... ‘Di ako magbabayad. Kasi kung may utang talaga ako na nakinabang ako, magbabayad ako. ‘Di ko alam kung saan galing ‘yung inutang nila, kung kanino ‘yan inutang at sinong umutang, sila magbayad!
“No (‘di ako mag-aambag)! Ipaliwanag muna nila sa ‘kin kung paano sila umutang at saan ginamit ang utang.”
Well, explain muna nga kasi bago contribute. Pak, ganern!
Mas trip na raw ng Gen Z kesa sa alak…
NIKKO, PINALAGAN ANG PAGTA-TAX SA KAPE
Nag-react ang aktor na si Nikko Natividad sa suhestiyon ng gobyerno na buwisan ang kape sa halip na alak, kasunod ng obserbasyong mas pinipili na raw ito ng mga Gen Zs.
Sa kanyang social media post, pabirong hiniling ni Nikko na huwag munang buwisan ang kape. Kamakailan lamang kasi ay ibinahagi rin niya na nawalan siya ng mga baso at buzzer sa kanyang coffee shop.
“‘Di ba, dapat natutuwa tayo na bumababa na ‘yung mga kabataang nahihilig sa alak?” saad ni Nikko.
Birong pakiusap pa niya, “‘Wag n’yo munang lagyan ng tax ‘yung kape. ‘Di ko pa nga mahanap ‘yung mga baso at buzzer namin.”
Tinanong din ni Nikko kung bakit sa kanya ipinadadaan ng ilang netizens ang kanilang mga komento at mensahe tungkol sa panukalang buwisan ang kape.
“Bakit n’yo sa ‘kin kino-comment at mine-message ‘yung tungkol sa tax sa kape? Wala akong magagawa ru’n. Tatanggapin ko na lang talaga na matagal pa magbabago ang buhay ko,” biro ni Nikko.
Samantala, nagbigay rin ng reaksiyon ang It’s Showtime (IS) host na si Teddy Corpuz tungkol sa naturang usapin.
Sa kanyang komento, pabirong iminungkahi ni Teddy na pati ang jogging, yoga, exercise at pickleball ay patawan na rin ng buwis.
Sey niya, “Malakas din sila mag-jogging, yoga, at exercise. Puwedeng i-tax ‘yung km distance o Strava & Garmin.
“‘Yung pickleball, malakas din po now. Per min or hour ‘yung tax para malaki kita sa tax.”
Well, let’s drink to that! One black coffee, please? Charot!
NAG-UWI ng tatlong awards ang P-Pop groups na BINI at BGYO sa BreakTudo Awards 2026 sa Brazil, kung saan nasungkit ng BINI ang isang parangal at dalawa naman ang naiuwi ng BGYO.
Nasungkit ng BINI ang International Female Group award, habang kinilala naman ang BGYO bilang Asian Artist at nagwagi rin ang kanilang awiting Forever Tonight bilang International Anthem of the Year.
“This award reminds us that music has no boundaries and can bring people together no matter where they come from. We hope to continue inspiring and connecting more people through our music,” pahayag ng BINI.
“Thank you for this recognition and we are truly grateful to receive these awards. We are proud to share this moment with all of the Filipino artists. Mabuhay ang musikang Pilipino,” saad naman ng BGYO.
Dagdag ang bagong award sa sunud-sunod na international milestones ng BINI, kabilang ang makasaysayang GRAMMY® nomination para sa Best Asian Pop Performance para sa awiting Unang Kilig.
Sinundan ito ng mga panalo bilang Favorite Global Music Star sa Nickelodeon Kids’ Choice Awards 2026 at Most Influential Southeast Asian Female Artist sa Jupiter Music Awards 2026.
Makakasama rin ang BINI bilang headliner sa kauna-unahang ASIA POP GIRL FEST 2027 kasama ang global girl groups na HANA at 4Eve.
Gaganapin ang naturang festival sa Pebrero 19 sa SM Mall of Asia (MOA) Arena.
‘Yun lang, and I thank you.





Comments