top of page
Search
  • BULGAR

Kalat na nagkakalabuan na… JULIA, 'DI MAGHAHABOL KAY GERALD

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | August 17, 2022



Maugong ngayon ang bali-balitang may problema ang relasyon nina Julia Barretto at Gerald Anderson. Medyo cold na raw sila sa isa't isa 'di tulad nu'ng dati na halos ayaw na nilang maghiwalay.


Nagbiyahe-nagbakasyon si Julia abroad minus Gerald, kaya rito nabuo ang tsismis na may problema sa kanilang relasyon.


Ayaw pa lang nilang umamin at magsalita sa real status ng kanilang relationship, pero ayon sa ilang netizens, hindi na sila magugulat pa kung one of these days ay mababalita na lang na hiwalay na sina Julia at Gerald. Tiyak din daw na may third party involved.


Well, sa kaso ni Gerald ay expected na ng lahat na hindi siya nagtatagal sa kanyang karelasyon.


Naging tatak na niya ang pagiging chickboy at hindi seryoso sa pakikipagrelasyon.


Pero, hindi rin naman ang klase ni Julia ang magpapakamartir sa pag-ibig. Hindi siya ang tipo na maghahabol sa isang lalaki.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page