KALAT NA: MAINE, NAG-RESIGN SA EB! DAHIL KAY ARJO
ni Nitz Miralles - @Bida | November 18, 2022

Fake news naman pala ang tsikang nag-resign na si Maine Mendoza sa Eat… Bulaga! dahil napanood na uli siya sa noontime show noong November 16 at tuluy-tuloy na ito.
Ang tsikang pagre-resign ay binago at ginawang indefinite leave na lang daw na for sure, fake news din.
Ang sinabing rason ng pagre-resign diumano ni Maine sa EB! ay dahil pinipilit siyang palabasing sila ni Cong. Arjo Atayde, eh, totoo namang may relasyon silang dalawa at engaged na nga.
Bumalik na rin si Maine sa taping ng Daddy’s Gurl na hindi rin niya iiwan kahit mag-asawa na siya. Iiwan lang ni Maine ang show kapag itinigil na ni Vic Sotto ang pagpoprodyus.
Balik na rin sa kanyang trabaho sa Kongreso si Arjo after ng bakasyon nila ni Maine, pero hindi pa rin naniniwala ang ilang AlDub fans na magkasama sila sa European vacation nila.





Comments