Kalat na hiwalay na raw… RICHARD, SUOT PA RIN ANG WEDDING RING NILA NI SARAH
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | November 16, 2023

Sa gitna ng mainit na hiwalayan issue ng mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, nananatiling suot ng aktor ang kanyang wedding ring.
Sa latest post ni Chard ng kanyang mga hot photos sa Instagram, hindi nakaligtas sa mga mata ng netizens na suot-suot pa rin ng aktor ang wedding ring nito.
Pero napansin din ng mga Marites na parang may ‘laman’ ang caption ni Chard lalo na nga’t may linyang ‘move forward.’
“Get up, change of perspective, move forward… And let the Most High take the wheel. Your attitude determines your altitude,” ang caption ni Chard.
Sa comment section, kani-kanyang reaction ang mga netizens
.
Narito ang ilan sa mga komentong nabasa namin:
“Hala, ba't parang may something sa caption?”
“Nagpapatamaan na sila ni Sarah. Check IG ni Sarah.”
“Para sa new movie niya 'yan.”
“He has wedding ring.”
“Woah, grabe naman itong mga The Iron Heart cast sa hot photos! First, Jake, then Dimples, then Sofia, then Sue, then Richard!”
“Totoo ang Marites, separated na sila but hoping a change to reconciliation, palamig lang muna kayo. Sayang.”
Nagsimula ang breakup rumor nina Richard at Sarah two weeks ago nang mapansin ng mga netizens na wala nang post ang mag-asawa na magkasama sila.
Magkahiwalay din ang post nila kapag kasama nila ang kanilang mga anak at obvious na hindi sila magkasama.
Hanggang ngayon ay wala pang pahayag sina Richard at Sarah tungkol dito.





Comments