Kalat na engaged na kay Echo… JANINE, MAY SUOT NANG SINGSING
- BULGAR

- Jun 26, 2025
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | June 26, 2025
Photo: Janine Gutierrez - IG
Tuluyan na ngang tinapos ang karakter ni David (McCoy de Leon) sa Batang Quiapo (BQ).
Nagpapasalamat ang DreamscapePH sa aktor dahil sa napakahusay na pagganap nito sa loob ng 2 taon. Napiga ni Coco Martin ang kanyang acting talent.
Karamihan sa mga nagkomento sa death scene ni David ay hindi maganda. Kasi kahit na raw ‘pinabait’ ang role ni McCoy ay hindi pa rin nawala ang pagkainis nila rito.
Sey ng mga netizens…
“Pinatay para tumabla sa ratings ng mga fairy sa kabila. Tama na kasi ‘yang pahabaan serye mo, Coco. ‘Yung K-drama nga at Hollywood, hanggang 12 episodes na lang ngayon, ikaw nasa Mara Clara–Flordeluna era pa rin. Wala naman kasi magawa mga tao nu’ng araw kaya patok ‘yun, unlike ngayon.”
Siyempre, may sagot ang mga BQ fanatic viewers sa komento.
“‘Teh, BATANG QUIAPO IS THE NUMBER 1 TELESERYE IN THE PHILIPPINES kahit ano pa sabihin mo. Need nila talaga pahabain ‘yan because it’s the biggest money-maker ng ABS!!”
“Exactly! Kahit ano pa sabihin n’yo, marami nang pinatumba na teleserye ang BQ.”
Sey naman ng isang commenter, “Pinatay kasi may movie or teleserye s’ya na gagawin. Priest ang role n’ya... Ang death scene n’ya, kuha matagal na, marami na BQ episodes na advance for months…”
“Ang tanong, kailan magpapaalam ang Batang Quiapo? Aabot ng another 10 years ‘yan?”
“Sana mabigyan pa si McCoy ng offers. Magaling na kontrabida, maaasar ka talaga. Bagay sila mag-asawa ni Elisse sa teleserye, tapos pareho silang masama. Hahahaha!”
“Nakakaiyak ‘yung episode nu’ng namatay s’ya. At least nagbago s’ya bago nawala... Galing ni McCoy umarte!”
Sana mabasa ni McCoy ang mga sinasabi ng netizens sa acting niya.
Hindi raw sina Vilma at Marian…
CELIA: ANGEL, PINAKAMAGALING NA DARNA
Tila nagpaparamdam na ang aktres na si Angel Locsin sa pagbabalik-showbiz.
Lately kasi ay may mga nakikita kaming post sa Facebook kung saan sa picture ay naka-costume ng Darna si Angel.
May video pa nga ng beteranang aktres na si Celia Rodriguez na iniinterbyu at natanong siya kung sino ang pinakamagaling na gumanap na Darna.
Aniya, “Pinakamagaling na Darna talaga si Angel Locsin! I worked with Marian (Rivera), worked with Angel, I worked with Vilma (Santos). Lahat ‘yan nag-Darna. I can compare… si Angel talaga ang pinakamagaling na gumanap ng Darna. I’m sorry, ‘yun ang choice ko, eh.”
Si Celia Rodriguez ay laging nakukuha noon na gumanap na kontrabida sa halos lahat ng Darna movies.






Comments