top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

KALAT NA: DAWN, NILAYASAN SI ANTON DAHIL SA IBANG BABAE

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 25, 2023
1 min read

ni Beth Gelena @Bulgary Files | July 25, 2023



May post sa Facebook ang kasamahan naming si Jobert Sucaldito tungkol sa diumano'y nilayasan ng aktres na si Dawn Zulueta ang kanyang mister for 25 years na si Antonio “Anton” Lagdameo, Jr..


Aniya pa, lumipad na raw si Dawn papuntang Amerika dahil may ibang babae umano si Anton.


Kasama rin daw ng aktres ang isa nilang anak.


Balita ring pag-aaralan daw nang mabuti ng batikang aktres kung ano ang nararapat niyang gawin para sa ikabubuti ng kanilang pamilya.


Sa comment section, pinabulaanan ng ilang netizens ang naturang balita.


Komento ng isang Rina Alcantara-Meily na nagpakilalang family friend nina Dawn at Anton, "Not true... Dawn is here visiting family."


Sagot naman sa kanya ng isang may handle name na Dee Zee, "Rina Alcantara-Meily At kakatapos lang ng ballet summer class ng anak n'ya sa New York. Mga Marites talaga."


Well, for sure, marami ang mag-aabang na si Dawn mismo ang mag-deny ng balitang 'yan.


Pero sana nga ay fake news lang ang kumakalat sa socmed dahil 25 yrs. nang nagsasama sina Dawn at Anton na ikinasal nu'ng Dec. 27, 1997 at nakakapanghinayang naman kung sa hiwalayan sila mauuwing mag-asawa.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page